Mahigit sa 250 competitors mula sa ibat-ibang bansa ang makikilahok sa World Surf League (WSL) na gaganapin sa Surfing Capital of the North, Barangay Urbiztondo, bayan ng San Juan, La Union.
Base sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union Kiel Lanuzo, Tourism Officer ng San Juan, La Union nasabi nito na magsisimula ang kompetisyon mula January 20-26, 2023.
Liban pa aniya sa mga dayuhan surfers, makikilahok rin sa kompetisyon ang 20 local surfers kasama si Roger Casugay na champion sa surfing sa nakaraang Southeast Asian Games (SEA Games) na isinagawa dito sa lalawigan.
Tiniyak rin ni Lanuzo na mahigpit ang ipapatupad nilang seguridad sa lahat ng kalahok kasama ang kapulisan, Coast Guard, Red Cross, at mga volunteers.
Magkakaroon din aniya ng security deployment sa bawat tutuluyan ng bawat kalahok. Dagdag pa nito na may 100 committee sa nasabing kompetisyon.
Bagamat sa araw ng Martes, January 17 pa ang inaasahang dating ng mga kalahok at pinapanatili na nila ng kalinisan ng venue kung saan tinggal ang lahat sidewalk vendors.
Ang venue kung saan gaganapin ang World Surf League ay siya rin kinaganapan ng Southeast Asian Games (SEA Games) noong December 2-8, 2019.
Samantala, ayon naman kay Marven Abat, local surfer na isa sa kalahok sa long board, nadepende ito sa lagay ng alon ang schedule ng laro.
Hindi rin aniya organizer ang pipili sa mga competitors dahil naka base ito sa division na kanilang sasalihan.
Ang World Surf League (WSL) ay isang governing body para sa mga propesyonal na surfers at nakatuon sa pagpapakita ng pinakamahusay na talento sa mundo sa iba’t ibang mga progresibong format.
Ito ay orihinal na kilala bilang International Professional Surfing na itinatag nina Fred Hemmings at Randy Rarick noong 1976.
Ang headquarters nito ay sa Santa Monica, California, at ang mga opisina nito ay matatagpuan sa Hawaii, South Africa, France, Australia, Brazil, at Japan.
Mayroon din 140 full-time na manggagawa ang World Surf League.