Star studded ang Mutya ti La Union ngayon gabi na gaganapin sa Baywalk Poro Point, San Fernando City, La Union.

Dito magtatagisan ang 20 kandindato mula sa 19 na bayan at isang syudad sa La Union.

Kasama sa listahan ng mga judges ang kauna-unahan Miss Universe ng Pilipinas ang batikang actress at Miss Universe 1969 na ti Miss Gloria Gloria, Miss Universe Top 10 finalist Michelle Maquez-Dee, anchor Niña Corpuz, Glademir Echavarre at Rhea Tan.

Magbibigay saya rin sa pageant ang actor na si Joshua Garcia at Kyle Echari.

Sa pagtatapos ng pageant ay matatanghal din ang indie band na Ben&Ben upang mas pasayahin pa ang mga tao kasabay ng selebrasyon ng -ika 174 na anibersaryo ng La Union.

Kung maalala, back-to-back win ang pambato ng bayan ng Sudipen sa Mutya ti La Union noong nakaraang taon.