Nakatakdang dinggin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit na P15 minimum fare sa dyip sa araw ng Miyerkules, Pebrero 19.
Ayon kay LTFRB technical division head Joel Bolano, ang naturang petisyon ay nakabinbin mula pa noong 2023 kung saan pinayagan lamang ng board ang provisional increase.
Noong Oktubre 2023, inaprubahna ng LTFRB ang P1 na provisional increase sa minimum fare para sa mga pampasaherong dyip, mula sa P12 itinaas sa P13 para sa tradisyunal na dyip at mula P14 sa P15 para sa modernong dyip.
Samantala, sinabi ng LTFRB na ang hirit na P15 na taas pamasahe ay masusing pinag-aaralan kabilang na ang pagkonsidera sa lahat ng kaugnay na factors tulad ng pagtaas ng presyo ng langis, inflation rates at ang kabuuang epekto ng ekonomiya sa mga mananakay.
Sa kasalukuyan nasa P13 ang minimum fare sa dyip.(By Bombo Everly Rico)