Pormal nang naipasakamay ng Provincial Government ng La Union kahapon ang mga 40 multi-purpose vehicles para sa lahat ng barangay sa bayan ng Luna na pinangunahan ni Governor Mario Ortega.

Ginawa ang turn over ceremony sa La Union Convention Center na dinaluhan ng mga chairman at mayor ng Luna.

Ayon kay Governor Mario Ortega, masaya ito na ipamahagi ang mga sasakyan na makakatulong sa mga mamamayan lalo sa panahon ng kalamidad.

Napondoan ang mga nasabing behikulo sa ilalim ng PGLU Development Fund at layon nitong magamit sa disaster response operations ng bayan, lalo na’t isa ito sa mga low-land at disaster prone municipality.

Kabilang din sa mga naipamigay ay ang mga stretchers, first aid kit, at oxygen tanks.

Nagpasalamat naman si Mayor Gary Pinzon sa Provincial Government at ipinangako na gagamitin ng tama ang mga saksakyan.