Update 4: Halos 2,000 na residente inilikas sa coastal area sa La Union
La Union – Umabot sa halos 2,000 ang bilang ng mga residente na nasa coastal area sa bayan ng Luna, La Union ang inilikas kasabay ng malakas na lindol kaninang umaga.
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union mula sa Office of the Mayor, higit 800 ang inilikas na mga residente na naninirahan malapit sa coatal area at higit 200 naman ang inilikas sa mga nakatira malapit sa bundok.
Ayon pa sa Office of the Mayor na mananatili muna sa evacuation center ang lahat ng mga inilikas para sa kanilang siguridad.
Napag-alaman na mismong mga residente malapit sa coatal area ang nagbigay ng impormasyon sa local government unit kung saan agad naman inilikas ang mga ito.
Bagaman at may paghupa na ang karagatan ay hindi muna pinabalik sa kanilang tahanan ang mga residente.
Nagbigay naman ng pagkain ang LGU sa mga evacuess.
Samantala, wala pa rin kuryente hanggang sa ngayon ang bayan ng Luna, Balaoan, Bacnotan, Santol at San Juan sa lalawigan.