Ilang pasyente ng Ilocos Training Regional and Medical Center kasama ang mga hospital staff ang lumabas kasabay ng malakas na lindol alas 8:43 kaninang umaga.
Base sa impormasyon mula sa ITRMC, ang mga pasyente ay nanatili ng 30 minuto sa labas habang isinasagawa ang Dissasrer Risk Reduction Management ng Hospital team sa asesstment ng mga ito.
Ayon kay Ferdinand F. Balagot Nurse III, at Assistant Manager DRRM ng hospital, agad nilang isinagawa ang mga natutunan sa training kapag may ganitong insidente.
Bagama’t nabigla umano ang mga ito sa lakas ng lindol, ay nagawa rin nila ng maayos na mailabas ang lahat ng mga pasyente kasama ang lahat ng staff ng hospital.
Wala naman naiulat na anong sira sa loob ng nasabing pagamutan.