LA UNION– Nakilala na sa ngayon ang mga casualty o namatay sa banggaan ng airconditioned bus at isang pribadong jeep sa bayan ng Agoo, La Union kasabay ng araw ng kapaskuhan.

Base sa ulat ng Agoo Police Station, kasama sa mga namatay ang ilang bata, matanda, at mayroon pang ilang buwan pa lamang na sanggol.

Nakilala ang mga biktima matapos agad dumating ang mga kamag-anak ng mga ito mula sa Brgy. Pilar sa bayan ng Bauang sa nasabi ring lalawigan.

Narito ang mga pangalan ng ilan sa mga nailistang namatay:
1. Pepito Antolin
2. Virgie Antolin 34 years old
3. Mark Jerson Cabero, 7 years old
4. Cecilia Antolin
5. Johnny Cabradilla, 43 years old
6. Chita Cabradilla
7. Florence Cabradilla
8. Vicky Antolin
9. Adela Antolin
10. Rolando Perrez-driver
11. Hanna Ramirez-10 years old
12. 5 months old na sanggol
13. Claudine Cabradilla

Patuloy pa rin na inaalam ang pagkakakilanlan ng iba pang biktima na lahat ay sakay ng jeep.

Inilipat na rin sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod ng San Fernando ang limang pasyente para malunasan ang grabeng sugat ng mga ito samantalang pinauwe ng doktor ang mga nasugatan na sakay ng bus na nagtamo ng minor injuries.