LA UNION – Patay na ng maiahon ang katawan ng isang utility worker sa pier ng Barangay Poro, ciudad ng San Fernando, La Union.

Nakilala ang biktima na si Mariano Hufana, 56, residente ng Purok Tawi-tawi Barangay Poro sa lalawigan.

Ayon sa San Fernando City Police, kinuha umano ng biktika ang paleta na nahulog sa dagat hanggang sa malunod at hindi na umahon pa.

Bagamat naitakbo pa sa Ilocos Training Regional & Medical Center ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor.

Naniniwala naman si Carlo Hufana, kapatid ng namatay na biktima na pinulikat ang huli sa loob ng tubig na dahilan ng kanyang kamatayan.