LA UNION – Ipinagmamalaki ngayon ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa pangunguna ni Mayor Dong Gualberto, ang report na zero casualty and injury sa pananalasa ng bagyong Ompong sa nasabing syudad.
Naniniwala ang alkalde na malaki ang naitulong ng ibayong paghahanda ng lokal na pamahalaan at pagsunod ng mga residente sa mga abiso, gaya na lamang ng ipinatupad na forced evacuation order noong gabi ng Biyernes, bago pa tumindi ang pananalasa ng bagyong Ompong.
Inilahad din ng alkalde ang isinagawang 36 hours na non-stop operations ng mga 300 volunteers mula local government unit, Philippine National Police, Army Reservists, Bureau of Fire and Protection, Philippine Coast Guard, Department of Health, grupo ng mga kabataan at iba pang volunteers.
At sa 10 oras na nakalipas mula alas 9:00 kagabi, tuluyan nang humupa at wala nang naranasang malakas na pag-ulan at malakas na hangin sa lalawigan.
Pero may paaalala ang CDRRMC sa mga evacuees na huwag munang lisanin ang mga evacuation center premises ngayong araw, hanggat hindi nasisiguro ang kaligtasan ng mga ito, sa kanilalang uuwi-ang bahay o lugar.