Patay ang isang dalawang taon gulang na batang babae sa Barangay Pottot, Bauang, La Union.
Nakilala ang biktima na si Missy Casandra Jade Rivera.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo La Union, ipinagbigay alam ng isang Michael Mallare, 42, may asawa, car dealer at residente ng nasabing lugar sa mga otoridad ang umano’y pagkamatay ng isang paslit.
Ayon sa kanya, hiningi nito ang karampatang imbestigasyon sa ina ng paslit na ti Trisha Angeline Rivera, 20 anyos at live-in partner nitong ti Daniel Cortez, 21, caregiver at kapwa residente ng Barangay Bouy-utan ang pagtanggi ng mga ito na ipagbigay alam sa mga otoridad ang pangyayari.
Sa imbestigasyon ng Bauang Police, alas 3 ng hapon noong May 4 ang step father ng bata na si Cortez ay natutulog umano sa kanilang bahay kung saan nagising ito ng ipagbigay alam sa kanya ng kapatid na si Darwin Cortez, 11, na nakita nito ang biktima na nakahiga sa silong ng punong mangga at nahihirapan huminga.
Agad naman umano nilang itinakbo ang paslit sa Bauang District Hospital at kalaunan ay inilipat sa Nagulian District Hospital kung saan idineklang dead on arrival ang biktima ng doktor.
Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Anabelle Madera, lola ng biktima sinabi nito na hindi ito naniniwala sa sinasabing nahulog sa punong kahoy ang biktima.
Malakas umano ang loob nito na ginawan ng masama ang kanyang apo na humantong sa kamatayan nito.
Napag-alam din umano na ipinagtapat hinihinalang suspek na si Daniel na sinuntok at sinipa nito ang biktima.
Agad din naman umano nag surrender ang hihinalang suspek ngunit agad din umano itong nalaya.
Sumasamo naman ang lola ng biktima na mabigyan ng hustisya ang apo at harapin ng may sala ang ginawa nito.
Sa ngayon, inaantay pa ang resulta ng autopsy report sa tunay na rason ng pagkamatay ng biktima.