Aabot sa 231 ang bilang ng iba’t-ibang uri ng baril ang iprenesenta ng La Union Police Regional Office 1 sa publiko kaninang umaga sa grandstand ng LUPPO dito sa syudad ng San Fernando, La Union.
Mula sa nasabing bilang (90) ang deposited: (6) confiscated: at (99) surrenderd fire arms na mula sa iba’t – ibang unit ng kapulisan sa rehiyon.
Sa talumpati ni Provincial Director Jonathan Calixto, na dahil sa tulong ng publiko at ng kapulisan ay nagawa nilang mahikayat ang mga tao na isurrender ang kanilang mga baril.
Dahil rin aniya sa mga programa ng kapulisan ay naibabahagi nila sa kumunidad ang kanilang magandang hangarin sa pamamagitan ng pagtulong sa publiko.
Iginiit rin nito na laging maasahan ang mga kapulisan at handang tumulong sa kamunidad.
Samantala, kasama rin sa presentation ng mga baril si La Union Election Officer Atty. Joel Gines.