Naihatid na sa huling hantungan ang tatlong dalagita na namatay matapos na malunod sa Balili River ng Barangay Lower Bimmutubot sa bayan ng Naguilian, La Union noong araw ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Sa mismong bakuran ng pamilya ng biktima nailibing ang mga ito sa bulubundukin ng Barangay Dagup, Bagulin, La Union.

Bumuhos ang luha at emosyon ng mga nakipaglibing habang ipinapasok sa nitso ang bangkay ng mga biktima.

Kung maalala, nalunod ang magkapatid na biktima na sina Rona Joy, 17, at Leonica Camarao, 14; kasama ang kanilang pinsan na si Ruby Ann Ducusin, 17; habang nasa kasagsagan ng pagdiriwang ng Bagong Taon sa nabnggit na ilog.

Sinasibi na nagbakasyon lamang ang magpinsan na sina Rona Joy at Ruby Ann sa kanilang lugar na galing sa lalwigan ng Cavite kasunod ang hindi inaasahang trahedya.