32-member ng Taekwondo team Region 1, mangrugin ti laban da ita nga aldaw
LA UNION – Lalarga ngayong araw ng Miyerkoles, Abril 18, 2018 ang 32 taekwondo players ng Region 1 para sa pagpapatuloy ng Palarong Pambansa 2018 sa lalawigan ng Ilocos Sur.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo La Union kay George Philip Amano, coach ng taekwondo team para sa Region One, sinabi nito na mataas ang kanyang inaasahan sa team para makahakot ng medalya sa kanilang larangan.
Ipinagmalaki nito ang ginawa nilang matindi at seryosong ensayo ang magdadala sa kanila sa tagumpay.
Mula sa 32 taekwondo players na naggaling sa iba’t ibang dibisyon ng DepEd Region 1, dalawa dito ang mula sa La Union, kinabibilangan nina Grover Orille sa bayan ng Agoo at Antolin Villanueva ng Rosario, La Union.
Magsisimula ngayong araw ang kanilang laban at magtatapos sa araw ng biyernes, Abril 21.
Samantala sa latest medal tally ng Palarong Pambansa 2018, ang Ilocos Region ay nakahakot na ng 8 gold, 6 silver at 2 bronze medals.