LA UNION – Hanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ang search and rescue operation sa limang mangingisdang nawawala sa karagatang bahagi ng lalawigan ng Ilocos Sur.
Sa pinakahuling impormasyon mula sa Office of Civil Defense (OCD) Region 1, nabatid na tumaob umano ang motorized banca na may markang “Danielle Maecee” sa layong 19 nautical miles mula sa nasabing lalawigan.
Pawang taga-Concordia, Bolinao, Pangasinan ang mga mangingisda na nakilalang sina Bunso Vergara, 44, Minandro Caasi, 37, Ranillo Campana, 32, Yvin Lopez, 27, at Jerrick Caasi, 22.
Sinasabing pumalaot ang lima sa kabila ng sama nang panahon at hindi pa nakauwi sa kani-kanilang bahay hanggang sa kasalukuyan. (PLAD)