LA UNION – Itinuturong suspek umano sa pagpatay kay Mayor Arsenio Agustin ng Marcos, Ilocos Norte ang bangkay na natagpuan sa loob ng isang wagon sa bayan ng Santol, La Union.
Nabatid ng Bombo Radyo mula Police Regional Office -1, ang naturang bangkay na nakilala sa pangalang Reynard Mostales ang may kaugnayan umano sa Ramos group at dating body guard ni Marcos Vice Mayor Jose Ermitanyo.
Tiniyak naman ni Chief Superintendent Romulo Sapitula, regional director ng Police Regional Office-1, na gagawin nila ang lahat upang makilala ang suspek na pumatay kay Mostales at mabigyan rin ito ng hustisya.
Si Mostales na taga-Luna, La Union ay natagpuan duguan at nakasako ang katawan sa loob ng isang wagon na iniwan ng mga pumaslang sa kanya sa Barangay Corro-oy sa bayan ng Santol, La Union noong araw ng Lunes.
Matatandaan na pinagpaparil umano si Mayor Agustin habang nag-i-inspection ito ng kanyang proyekto sa bayan ng Marcos, Ilocos Norte noong June 2017.