LA UNION – Maganda ang naging resulta ng ipinatupad na seguridad ng kapulisan sa lalawigan ng La Union kaugnay ng paggunita ng Semana Santa sa ilalim ng Summer Vacation 2026 o SUMVAC 2026.

Ayon kay La Union Police Provincial Office (LUPPO) Public Information Officer Police Lieutenant Colonel Lawrence Ganuelas, naging epektibo ang deployment at ang isinagawang maagang paghahanda ng kanilang hanay.

Dahil dito, nanatiling mababa ang bilang ng mga naitalang insidente sa buong probinsya sa kasagsagan ng Semana Santa.

Samantala, nagsagawa rin ng assessment ang LUPPO upang matukoy ang mga aspeto na maaari pang mapabuti sa mga susunod na pagdaraos ng malalaking okasyon.

Sa kanilang pagsusuri, nakita ang pangangailangan ng mas pinaigting na presensya o visibility ng kapulisan sa mga matataong lugar.

Bukod dito, binigyang-diin din ang kahalagahan ng mas malawak na pakikipag-ugnayan sa mga force multipliers at mga tinatawag na friendly forces na tumutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan.