Agtutuon a kaso vs jail officer a maipagarup a nambastos kadagiti pulis, naidatagen iti piskalya
LA UNION – Naidatagen iti piskalya ti kaso nga unjust vexation ken direct assualt kontra iti naaresto a jail officer a maipagarup a nambastos kadagiti pulis idiay syudad ti San Fernando, La Union.
Iti pannakiuman ti Bombo Radyo kenni S/Ins. Ronald Allan Rupisan ti San Fernando City Police, kinunana nga imbes a makitinnulong kadakuada ni JO3 Frederick John Magante tapno sapulen dagiti irekreklamona a guest relation officers a nangitaray iti cellphone ken kwartana ket napagsasawan pay dagitoy iti dakes.
Maipagarup nga ininsulto ni Magante ti nasao nga opisyal ken dagiti tauhanna a nagresponde iti hotel a nag-check-in ni Magante.
Gapu iti saan a nasayaat a kababalin nga impamatmat ti jail officer ket inaresto daytoy dagiti pulis.
Kabayatanna, pinaglibakan met ni Magante iti alegasyon kenkuana dagiti tauhan ti San Fernando Police.
Sigun iti jail officer, kababalin iti biktima ti agtatakaw iti nagbalin a tignay daytoy met saanna nga inisulto dagiti pulis.
Immuna iti daytoy, maipagarup nga agrekreklamo ni Magante gapu iti maipagarup a panangitaray iti kadduana a guest relation officer (GRO) ti kwarta ken cellphone daytoy manipud iti nagturonganda a hotel.
Naaresto ti nasao a tauhan ti BJMP kalpasan a maipagarup nga insultuenna dagiti nagresponde a pulis.
xxx
BJMP, hindi kukunsintihin ang pagkakamali ng naarestong jail officer na umano’y nang-insulto sa mga pulis
LA UNION – Mangisayangkat iti imbestigasyon ti Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) maipapan iti nakairamanan a kaso ti naaresto a jail officer a maipagarup a nangisulto kadagiti pulis idiay syudad ti San Fernando, La Union.
Iti pannakiuman ti Bombo Radyo kenni Jail Inspector Antonio Cruz, warden ti Naguilian District Jail, kinunana a pagpalawagenna ti tauhanna maipapan iti nakairamanan daytoy a kaso.
Mabalin kinunana a masampaan iti administratibo ni Magante no adda iti makalapda nga umdas a pammaneknek kontra kenkuana.
Impanamnama met ni Cruz a maikkan met iti gundaway a depensaan ti jail officer iti bagina.
Kinumpirma met ti opisyal a nainget nga ipawpawil a sumrek iti tauhan ti BJMP kadagiti balay-pagraragsakan tapno makaliklik iti eskandalo.
Immuna iti daytoy, maipagarup nga agrekreklamo ni Magante gapu iti maipagarup a panangitaray iti kadduana a guest relation officer (GRO) ti kwarta ken cellphone daytoy manipud iti nagturonganda a hotel.
Naaresto ti nasao a tauhan ti BJMP kalpasan a maipagarup nga insultuenna dagiti nagresponde a pulis.
xxx
10 priority programs ti DENR iti 2018, impakaammo ni Sec. Cimatu
LA UNION – Imbinsa-binsa ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu dagiti sangapulo a priority programs ti dadaulwanna nga opisna.
Iti naangay a management conference ti DENR idiay Manila, kinuna ni Sec Cimatu a nasaysayaat a rugyan iti umuna bulan ti tawen nga agtinnunos ken agkaykaysa ti tunggal rehiyon tapno maipakat a nasayaat dagiti kangrunaan a programa ti ahensiya.
Impaganetget ti opisyal iti kinapateg ti pannakipaset iti tunggal maysa tapno agbilligi ti pannakaipatungpalda kadagiti programa ti DENR.
Sinaggaysa a dinakamat ni Sec. Cimatu dagiti nasao a programa ken dagiti opisyal a mangidaulo kadagitoy a pakairamanan ti Land Management ken Forest Protection nga idaulwan ni Undersecretary Ernesto D. Adobo, Jr.; National Greening Program, ken Ecosystems Research and Development nga imatunan ni Undersecretary Jonas R. Leones; ni Undersecretary Analiza R. Teh para iti Climate Change, Geohazard Assessment, ken Ground Water Assessment and Responsible Mining; ni Undersecretary Juan Miguel T. Cuna iti mangaywan para iti Clean Air ken Biodiversity Management; OIC-Undersecretary Mariz Paz G. Luna iti Clean Water; ken ni Undersecretary Noel K. Felongko met iti Solid Waste Management.
Kabayatanna, immunan a rinugyanen ni Sec. Cimatu iti pannakapasengked kadagiti enforcement capabilities dagiti PENROs ken CENROs kas frontliners a mangtaming kadagiti pakaseknan nga addaan ti pakainaigan ti saritaan para ti aglawlaw kangrunaan iti panagminas wenno minning.
Agtalinaed met iti immunan a pammilin ti sekretaryo idi napalabas a tawen seknan iti panagkasapulan kadagiti abogado a mangpapartak iti pannakataming iti kaso seknan ti sangaparsuaan a naidatag kadagiti field offices.
xxx
3 PNP generals, GOCC chairman, nakatakdang sibakin ni Duterte
Kinumpirma ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda nitong tanggalin sa puwesto ang chairman ng isang government-owned and controlled corporation (GOCC) at tatlong heneral ng Philippine National Police (PNP) dahil pa rin sa korupsyon.
Ginawa ni Pangulong Duterte ang pahayag sa isang event ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) sa Maynila kagabi.
Sinabi ni Pangulong Duterte, ngayong linggo nito sisibakin ang hindi pa pinangalanang chairman at sunod naman ang mga police officials.
Inihayag naman ni Presidential Spokesman Harry Roque sa press briefing sa Bukidnon na kakausapin pa nito si Pangulong Duterte mamayang hapon para makakuha ng clearance na magsagawa ng anunsyo.
Maaaring si Pangulong Duterte ang mag-aanunsyo rin mamaya sa identity ng mga sisibaking opisyal sa kanyang media interview sa Davao City.
xxx
‘Kinumpiskang luxury cars, makikinabang ang smugglers kung ipa-auction’ – CEZA
Mariing dumipensa ang administrator ng Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) sa gagawing pagwasak sa halos 100 mga mamahaling sasakyan sa Port Irene sa Santa Ana, Cagayan.
Sinabi sa Bombo Radyo ni Atty. Raul Lambino, administrator ng CEZA, maaaring may manghinayang sa ilang sektor sa gagawing pagwasak nila sa mga luxury cars katulad ng Porsche, Mercedez Benz, Lamborghini Murcielago, Boxster, Carrera units, Hummers at iba pa, subalit makikinabang lamang daw ang mga smugglers kung ipapasubasta ang mga ito.
Ito rin daw ang nangyayari noon sa sistema ng pag-auction sa mga kinumpiskang second hand vehicles na right hand drive na napupunta rin sa mga taong iligal na nagpasok sa bansa.
Paliwanag pa ni Lambino, kung tutuusin ay kakarampot din ang naipapasok sa kaban ng bayan kung ipapasubasta ang mga mga luxury vehicles.
Aniya, liban sa bawal sa batas, mas malaki umano ang epekto nito sa car industry sa bansa bunsod ng usapin sa kompetisyon.
xxx
Salary hike sa mga public school teachers, kailangan pag-aralan pagkatapos ng 2019
Kailangan daw muna na magkaroon ng pag-aaral para sa planong taasan ang sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan.
Ayon kay Budget Sec. Benjamin Diokno, mahalagang magkaroon muna ng market survey tungkol dito.
Posibleng pagkatapos na raw ng taong 2019 sisimulan ang pag-aaral kung kailangan pa ng karagdagang salary hike para sa mga public school teachers.
Ngayong taon daw kasi, magkakaroon pa ng salary adjustment dahil sa ikatlong tranche ng Salary Standardization Law (SSL).
Isa rin daw sa mga kinokonsidera nila sa ngayon ang P300 billion na karagdagang buwis na ipapataw sa mga tax payers para mapunuan ang dagdag sahod sa mga gurong ito.
xxx
Mga taga-amusement & gaming industry, binalaan ni Duterte vs korupsyon
Pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga negosyante sa amusement and gaming industry na huwag makisangkot sa anumang uri ng korupsyon.
Sinabi ni Pangulong Duterte na bukas ang kanyang administrasyon sa pagpapalawig at pagpapalawak pa ng operasyon ng ilang mga nasa gaming industry lalo’t malaking pera ang naipapasok nito sa bansa.
Pero nakiusap si Pangulong Duterte sa mga negosyante, gayundin sa mga opisyal at kawani ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na sana ay ‘wag silang makisawsaw sa mga iligal na aktibidad.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat silang tumanggi kung may magtangkang manuhol o mangotong sa kanila na nasa gobyerno.
Iginiit ng pangulo na mas makabubuti kung isumbong agad sa kanya o sa citizen’s complaint hotline 8888 kung mayroon mang gustong manuhol o humingi ng suhol.
xxx
Mga hacker na humihingi ng P2,500 sa online transaction, imbestigahan – DFA
GENERAL SANTOS CITY – Dumipensa ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa modus ng mga sindikato sa online passport renewal sa pamamagitan ng appointment sa internet.
Ito’y matapos inireklamo ang paniningil ng bayad umano sa assistance o tulong para sa pagpapa-appointment sa DFA na hindi bababa sa P2,500 bawat transaction.
Ayon kay Yvonne Mofar ng DFA-GenSan, walang bayad ang magpa-schedule sa kanilang opisina at wala ring accredited na travel agency na may offer na ganoong serbsiyo dahil ito’y bawal.
Dagdag pa nito na modus ito na kagagawan ng mga hackers at IT expert.
Dahil dito, nagpatulong ang DFA sa National Bureau of Investigation para madakip ang nasa likod nito.
Kahapon tinawagan ng Bombo Radyo ang nasabing mga suspek at kinumpirma na may 1,500 slots ang bakante para sa online transaction para sa buwan ng Enero.
Taliwas ito sa kumpirmasyon ng DFA ubos na ang online transaction para sa Enero at Pebrero habang iilang slot na lamang ang bakante sa buwan ng Marso.
xxx
California mudslide: 1 sa mga survivor, nakaligtas sa pamamagitan ng pagkapit sa pintuan; halos 20 na patay
Umaasa na lamang umano ang mga rescue team sa California sa mga “miracle” survivors mula sa mudslide na ngayon ay hanggang bewang na ang lalim.
Nabatid na sa dalawang araw na mudslide, 17 katao na ang iniwang patay nito kabilang ang tatlong bata, dalawang nasa 80s na ang edad, at ang founder ng isang Roman Catholic school sa California.
Sa ngayon ay 700 rescue workers ang naka-deploy para sa mga posible pang survivors kung saan nasa halos 50 pa ang nawawala.
Kuwento ng ilang survivor tulad ni Josie Gower, napakapit aniya siya ng todo sa door frame matapos na rumagasa ang mudslide sa loob ng bahay nito sa Montecito.
Isa namang 14-anyos na dalagita ang nailigtas sa kabila ng nabalot na ng putik ang buong katawan nito matapos na ilang oras na na-trap sa gumuhong bahay nito. (CNA/CNN)
xxx
Ingram, Lakers dinomina ang ‘pilay’ na Spurs
Humataw ng 26 points si Brandon Ingram upang itakas patungong Los Angeles Lakers ang 93-81 panalo kontra San Antonio Spurs.
Nag-ambag naman ng 18 markers si Lonzo Ball para maibulsa nila ang kanilang third straight win.
Sa panig naman ng Spurs, kumamada ng 20 points si LaMarcus Aldridge, habang nagdagdag naman ng 16 si Bryn Forbes.
Nagpamalas ng agresibong offensive game si Ingram, gayundin si Ball na nagpakawala ng apat na threes para ibangon ang kanilang koponan sa pagkakapako sa naging mga talo nila noong nakaraan.
Napag-alamang “pilay” ngayon ang San Antonio sa pagiging absent ng ilan sa kanilang mga players na sina Kawhi Leonard, Tony Parker at Danny Green.
Dedepensahan naman ng Spurs sa Linggo ang kanilang home court sa pagharap nila sa Denver Nuggets, habang nasa Dallas naman ang Lakers sa gayunding araw.
xxx
Pre-debut video ng apo ni Duterte na kuha naman sa Australia, usap-usapan
Panibagong usap-usapan ngayon ang tila save-the-date video ng apo ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa nalalapit na 18th birthday nito.
Ito’y halos isang buwan matapos na maging kontrobersyal din ang pre-debut pictorial ni Isabelle Duterte sa loob ng Palasyo ng Malacañang.
Paliwanag dito ni Presidential Spokesman Harry Roque, hindi naman ito dapat maging malaking isyu dahil mayroon namang karapatan ang pangulo at kanyang pamilya sa Malacañang.
Kung tutuusin aniya ay dapat sa Malacañang nakatira ang pangulo pero hindi niya ito pinili kaya kahit paano naman daw ay maaari namang makapagpa-picture ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang apo.
Ang save-the-date video naman ay kuha sa ilang bahagi ng New South Wales, Australia.
Ipagdiriwang ng panganay ni dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte ang debut nito sa darating na January 19 sa isang five star hotel sa Makati.
Kung maaalala, isa ang social media war nila ng anak ang isa sa mga idinahilan ni Pulong sa pagbibitiw sa puwesto.