LA UNION – Humaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang isang 24-anyos na binata na nahuli ng mga kawani ng pulisya at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) dahil sa pagbebenta umano ng marijuana sa Barangay Poblacion sa bayan ng Bacnotan, La Union.
Nakilala ang suspek na si Geoffrey Marlou Valmores, residente ng Barangay Raois sa nasabing bayan.
Nabatid ng Bombo Radyo mula sa Bacnotan Police Station, nakompiska mula sa pag-iingat umano ng suspek ang tatlong sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana, P500 bill na nagsilbing buy bust money at ang motorisklo nito.
Nanatili pa rin sa himpilan ng pulisya si Valmores habang hinihintay ang kahihinatnan ng kaso nito sa hukuman.