Ipinag-utos na ng Department of Agriculture ang pagpapatupad ng temporary ban sa lahat ng mga animal products mula sa bansang Germany.

Ang kautusang ito ay inilabas kasunod ng napaulat na foot-and-mouth disease sa lahat ng mga domestic buffaloes na nagmumula sa naturang bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na magtatagal ang naturang kautusan hanggang maideklara na free status na ang Canada mula sa sakit.

Kasunod nito ay ipinag-utos na rin ng kalihim ang pagpapatupad ng suspension sa pag-iisyu ng sanitary at phytosanitary import clearances.

Kung maaalala , aabot sa 3,177.5 metric tons ng baka mula sa Germany ang inangkat ng bansa mula noong nakalipas na taon.

Katumbas ito ng kabuuang 0.5% ng beef import ng Pilipinas.

Tiniyak rin ng kalihim na hindi magkukulang ang supply ng karneng baka sa bansa kasunod ng kautusang ito.(By Bombo Victor Llantino)