Inihayag ni Atty. Richard Anthony Fadullon, prosecutor general ng National Prosecution Service na wala pang natatanggap ang Department of Justice na pahayag o refusal to cooperate mula sa mag-asawang Curlee at Sarah Discaya.

Ito’y kasunod nang umatras ang mga ito na makipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure o ICI sa isinasagawang imbestigasyon ukol sa flood control projects anomaly.

Kung saan ayon kay Prosecutor General Fadullon na ang sinasabing dahilan nito ay ang pagkabigo nilang makatiyak na mairekumenda ng komisyon para gawing ‘state witness’.

Ngunit kanyang iginiit na ang rasong ito ay maaga pa para masabi sapagkat aniya’y nasa proseso pa lamang sila sa pagkolekta ng mga ebidensya.

Binigyang diin ng opisyal na ang mga pahayag mula sa mga lumalantad na testigo ay di’ sapat at kinakailangan maisailalim sa masusing ebalwasyon.

Ang naturang pahayag ni Prosecutor General Fadullon ay kanyang ibinahagi kahapon, ika-16 ng Oktubre.