LA UNION – Patay ang isang high student matapos itong magbigti sa Barangay Santiago Sur sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Nakilala ang biktima na si Maylene Lacaberte, 15, nag-aaral sa La Union National High School.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa ina ng naturang dalagita na si Ginang Milagros, sinabi nito na wala namang naikukwento sa kanila ang anak na sulirain noong ito ay nabubuhay pa.

Nakita na lamang umano ng kapit-bahay na nakabitin ang wala ng buhay na katawan ng mag-aaral sa kahoy ng pamelo malapit sa kanilang tirahan.

Sa tulong ng pulisya ay nais nilang alamin ang tunay na dahilan ng pagpapatiwakal ng dalagita.