LA UNION – Umabot ng halos tatlong linggo na linakad ng lalaki mula Vigan, Ilocos Sur hanggang sa makarating sa San Fernando, La Union kagabi.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay Justin Flores Chua, 42, ng Barangay Abukay, Tacloban, City sinabi nito na lubos ang kanyang pagod at hirap sa paglalakad.
Ayon sa kanya, nakarating ito sa Vigan City, sa pamamagitan ng pagrecruit sa kanya ng kapitbahay sa Tacloban para magtrabaho sa isang manokan ng GM MANPOWER naka base idiay Lipa City, Batangas.
Aniya, nagsimula silang magtrabaho noong November 3, 2021 hanggang sa magsara ito noong February 4, 2022 kung saan umalis at nagtungo sa Palawan ang may-ari ng manokan samantalang sila ay halos inabandona.
May mga kasama umano itong katrabaho ngunit nakauwi na sa Mindanao sa tulong ng Philippine Coast Guard.
Sa pagtatanong pa ng Bombo Radyo La Union, sinabi nito na halos lahat ng kanyang damit at ibinenta nito upang may pambili ng pagkain at nagpapalipas ng magdamag kung saan.
Sinabi pa nito na halos pagdamotan ng mga hiningan nito ng tulong para makauwi dahil umano sa hindi ito botante sa lugar.
Samantala, agad naman nakarating sa opisina ng gobernador sa lalawigan ang problema ni Chua kung saan agad nitong pinapunta sa Bombo Radyo La Union ang mga tauhan ng Provinciak Dissaster Risk Reduction Management Office kung nagpaabot ang mga ito ng P10,000 financial assistance at libreng hatid sa kanya sa Manila
Kaugnay nito, nagpaabot rin ng tulong si Talogtog Punong Barangay Arlene Abat para kay Chua.
Lubos naman ang pasasalamat ni Chua sa lahat ng tulong na tanggap nito.
Sa ngayon, pansamantala mula itong manunuluyan kina Abat habang inaantay ang pag-uwi nito bukas sa Tacloban upang makapiling ang anak at lola nito.
Ipinangako naman nito na babalik sa La Union upang magtrabaho kasama ang anak.