Dinomina ng Philadelphia Eagles ang Super Bowl 2025, daan upang ibulsa ang ikalawang championship sa kasaysayan ng koponan.
Hindi pinaporma ng Eagles ang Kansas City Chiefs sa hangad ng huli na maibulsa ang three-peat. Sa halip ay tinambakan ng Eagles ang defending champion sa score na 40 – 22.
Sa higpit ng depensa ng Eagles, halos hindi nakaganti ang mga Kansas star na sina Patrick Mahomes at Andy Reid. Sa pagtatapos ng first half, hawak na ng Eagles ang 24 – 0 lead.
Kabilang sa nagpalobo sa lead ang dalawang interception ni Mahomes na nagbigay kaagad ng 14 points sa Eagles.
Lalo pang pinalaki ng Kansas City ang lead sa 3rd quarter kasunod ng 46-yard touchdown pass ni Jalen Hurts para kay DeVonta Smith at pinaabot sa 34 – 0 ang score.
Kumamada ang quarterback si Jalen Hurts ng kabuuang 293 yards at tatlong touchdown sa panalo ng Eagles. Dahil sa episyenteng performance, pinangalanan siya bilang most valuable player
Sa panig ng Chiefs, pinilit nilang humabil kasunod ng 34 – 0 lead ng Eagles. Pinangunahan ni Mahomes ang comeback effort ng koponan at sunod-sunod na gumawa ng tatlong touchdown passes.
Gayunpaman, hindi pa rin ito naging sapat at tuluyang natapos ang laban sa score na 40 – 22.
Pinasalamatan naman ni Hurts ang kaniyang mga teammate na aniya’y pawang tumulong upang maibulsa ang kampeonato. (By Bombo John Flores)