Patay ang isang senior citizen matapos itong pugotan ng ulo ng kanyang pinsan sa Barangay Pagdalagan Norte, San Fernando City, La Union kaninang umaga.
Nakilala ang biktima na si Beinbenido Bautista, 64, binata, habang ang suspek ay nakilala na si Eduardo Marso, pinsan ng biktima, may asawa kapwa residente ng nasabing lugar.
Base sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo La Union sa ilan sa mga kamag-anak ng biktima, nasa bahay lamang umano ang huli at nagluluto ng mangyari ang krimen na nakita mismo ng anak ng suspek.
Ayon pa sa mga kamag-anak ng biktima tinangka umano ng suspek na habulin ang anak nito ngunit agad itong nakatakbo kasabay ng paghingi ng saklolo sa mga otoridad.
Agad naman nahuli ang suspek matapos ang ginawa nitong krimen kasama ang itak na may habang 12 pulgada na ginamit sa krimen.
Napag-alaman din na 10 na ang nakararaan ng makulong sa kaparehong krimen ang suspek ngunit napalaya dahil sa parole.
Sa ngayon nakapiit ang suspek sa San Fernando City Police Station habang inaantay ang kasong ihahabla ng pamilya ng biktima laban sa kanya.