Limang bayan sa lalawigan ng La Union ang nawalan ng kuryente kaninang umaga.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay Mr. Romeo Gagtan, cashier ng La Union Electric Cooperative Balaoan branch naputol umano ang isang linya ng kuryente ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Barangay Mabanengbeng, sa bayan ng Bacnotan, La Union.

Ayon kay Gagtan, ang 69,000 volts na linya ang siyang magsu-supply ng kuryente sa LUELCO.

Una rito, kabilang ang bayan ng Luna, Balaoan, Santol, Bancotan at San Juan ang nawalan ng kuryente kung saan ang mga ito ay under ng LUELCO.

Samantala, 1:30 kaninang hapon naibalik ang supply ng kuryente sa mga nabanggit na bayan.