From: The Senate of the Philippines
20th Congress

Press Release
August 20, 2025

Mr. President, my distinguished colleagues, I rise on a matter of personal and collective privilege — to uncover schemes surrounding a systemic problem in our country – one that submerges our nation not just in flood waters, but in depths of corruption.

In the course of our research and investigation, we encountered several words – their meanings, we could not find in the dictionary. So we looked somewhere else. Alas! We found them – in the ‘corruptionary’.

We have a saying: A leaky roof today is a ruined home tomorrow. Fortunately, President Bongbong Marcos himself has taken decisive steps to plug the leaky roof as a determined follow-through on his striking rebuke and appeal to conscience with his resounding admonition: “Mahiya naman kayo!”.

Wasting no time after his stern warning during the last SONA against those who misuse public funds, Malacañang established and launched the “sumbongsapangulo” website last week. I commend and thank the President for this open-source website.

Not only does it open the public a direct line to the President to report anomalous flood control projects in their midst, but in my case, including that of my staff, the website makes our investigative work a lot easier. For one, the coordinates that the website provides showed us a faster way to find the shady, even ghost projects.

Last week, the President took aim; today, I am pulling the trigger.

Para sa ating mga kababayan, nakatutok ang aking presentasyon sa araw na ito sa mga flood control projects pa lamang. Hindi pa rito kasama ang iba pang mga infrastructure projects na punong-puno rin ng anomalya.

Iisa-isahin natin ang mga impormasyong aming nakalap sa mga nakalipas na linggo mula sa aming sariling pag-aaral at pag-sasaliksik, na suportado ng mga impormasyon mula mismo sa mga DPWH insiders at contractors, kasama na rin ang open sources.

Una, ang kalakaran ng ilang mga kontratista at mga kasabwat nila sa gobyerno sa paghahatian ng pondo, kasama na rin ang mga termino o codes patungkol sa kanilang ‘modus’:

Pangalawa, ang mga palpak na proyekto dahil sa paggamit ng substandard na materyales kasama na ang mga kontratistang nasa likod nito;

Pangatlo, ang mga proyektong lantarang inaangkin bilang ‘congressional insertion’; Pang-apat, ang patuloy na pagbaha sa iba’t-ibang lugar na narating namin kahit taon-taon ay paulit ulit na binubuhusan ng bilyon-bilyong pondo;

At ang pinakahuli, ang mga tinatawag ng Pangulo na ‘guni-guni’ o multo/ghost projects na aming nahukay.

For over 15 years, from 2011 to 2025, we appropriated more than 1.9 trillion pesos for flood control management program under the budget of the Department of Public Works and Highways alone.

Sa loob lamang ng tatlong taon, mula 2023 hanggang 2025, higit 1 trillion pesos ang ating inilaan sa ilalim ng tatlong naipasang budget measures para sa flood control – halos 53% ng kabuuang pondo sa loob ng labinlimang (15) taon.

When we are speaking in trillions of pesos, we can expect our streets and low-lying communities to be flood-free when the rains pour.

Gayunpaman, sa paghagupit ng magkakasunod na Habagat at mga Bagyong Crising, Dante, at Emong ilang Linggo pa lamang ang nakalipas, kasamang winasak at inanod ng baha ang bilyon-bilyong pisong halaga ng mga imprastrakturang halos bago at kakakumpleto pa lamang na dapat sana ay nagbigay proteksyon sa ating mga kabahayan at komunidad.

PIE-SHARING

Corruption has been so pervasive and systemic that doing so is like a piece of cake.

And when I say ‘piece of cake,’ I mean that funds for a specific project are divided, shares vary depending on greed, big parts swallowed by corrupt operators, both from the public and private sectors, leaving only crumbs for actual project implementation. May ilan pa ngang proyekto, hindi man lang nagtira para sa taumbayan. Ang tawag ng Pangulo dito – “guni-guni” o ghost projects.

Mr. President, let me illustrate an example of the pie-sharing in a severely corrupted project. Nais kong bigyang diin, na hindi ito representasyon ng lahat ng kalakaran sa flood control projects sa buong Pilipinas. While the pillaging pattern is relatively the same, the pie-sharing varies depending on the level of greed.

Ihiwalay muna natin ang mga regular o legal na buwis at insurances na automatic na binabawas sa mga proyekto: 5% VAT, 2% withholding tax, 1% para sa Bonds and Insurances; at 1% materials testing.

Ibawas na rin natin ang allowable contractor’s profit na 8-10%.

Halimbawa, sa P100 million na pondo para sa flood control project, kung ibabawas ang maximum allowable deductions, P82 million ang matitira para sa proyekto.

Pero hindi pa dito nagtatapos, Mr. President. Kakatayin pa ang budget para sa mga ‘lagay’, commissions, SOPs, at iba-iba pang terminong binubuo para sa shares ng mga korap.

Sa mga impormasyon na aming nakalap, ganito na kagarapal ang sistema ngayon sa hatian ng isang maanomalyang proyekto:

8-10% para sa mga opisyal ng DPWH. ‘Swerte’ na daw kung pumayag ang District Engineer na 6% lamang ang parte niya.

May ekstrang 2-3% na parte pa ang District Engineering Office kung may ‘sosobra’ sa Contractor’s Profit. Na-compute na rin kasi ng District Engineering Office ang tutubuin ng contractor mula sa project at sinisiguro na nila na sosobra ito sa allowable profit, para mayroon pa silang kukubrahin. Ang tawag dito, RESETA. RESETA dahil ang presyo na itinakda ng DEO ay nakasulat at napagdesisyunan na. Parang gamot, Mr. President. Lukunukin na lang ng contractor.

5-6% para sa mga miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC)

0.5 -1% para sa COA.

Mr. President, meron pa ngayong tinatawag na “passing through o parking fee” na aabot sa katumbas na 5-6% ng pondo. Ito ang itinuturing na “royalty” – ang tawag sa ‘lagay’ na ibinibigay sa pulitikong may kontrol sa distrito kung saan i-implementa o itatayo ang proyekto.

Lo and behold, Mr. President: 20-25% ang karaniwang napupunta sa FUNDER o project proponent na pulitiko.

Mr. President, ang matitirang pondo para sa pagpapatayo ng proyekto ay napakaswerte nang umabot sa 40% o 40 million pesos alinsunod sa ating halimbawang 100 milyong pisong pondo para sa proyekto.

Mr. President, there is an evident pattern of this nasty distribution of public funds among crooks. Ito ay base sa mga “case studies” na aming pinuntahan at masusing inimbestigahan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, partikular sa issue ng flood control. Hindi na namin isinama sa aking presentation ang mga naikutan at ibinunyag na ng Pangulo. Ang malinaw na malinaw, halos pare-pareho ang pattern kung paano minamasaker ng mga kawatan ang pondo ng bayan.

Nauna na po itong iniulat ng ating Pangulo noong nakaraang Linggo – nang banggitin niya ang mga items na pare-pareho ang contract cost sa kabila ng pagkakaiba-iba ng specs, disensyo, at haba ng proyekto. Panoorin natin sa susunod na video.

PLAY SHORT VIDEO CLIP OF PBBM

Sa parlance po na ang nakakaalam lamang ay ang mga kasali sa gulangan sa pondo, ito po ang tinatawag na ‘DISTINCT’.

‘DISTINCT’ ang mga budget items na makikita sa GAA at awarded contracts na may pare-parehong halaga para sa magkakalapit MAN O MAGKAKALAYO na proyekto.

“DISTINCT” dahil ayon sa aming MGA informants SA LOOB NG DPWH AT KINUMPIRMA NG ILANG CONTRACTORS, “coded na budget” ito para mayroong pagkakakilanlan ang mga “may-ari” ng proyekto.

Para sa nakakaunawa, ang ibig sabihin po ay, – “akin yan.” DISTINCT.

Sa Bulacan 1st Engineering District na pinamumunuan ng magkasunod na tinanggal sa pwesto na sina dating District Engineer Henry Alcantara, at ang pumalit sa kanya na si Brice Hernandez, napag-alaman naming talamak ang ganitong kalakaran. Bakit? Sapagkat ayon sa mga contractors at DPWH officials na nakipag-usap mismo sa akin at aking staff, ang dalawang ito ay halos pareho lang ang pagmamahal sa pera.

Napabalita pa nga kamakailan na ang isa sa kanila ay nakakapagpatalo ng daang milyon sa isang casino dito sa Maynila.

Mr. President, sa engineering office na ito, sa ilalim ng pamumuno ng dalawang nabanggit na opisyal, para sa taong 2024, mayroong 28 na proyekto na pare-parehong 72 million. DISTINCT. Babalikan po natin, Mr. President mamaya ang probinsya ng Bulacan — na aming maituturing na pinaka-notorious pagdating sa anomalya base sa aming mga findings.

CANDATING, ARAYAT

Unahin muna natin ang kaso ng kwestyunableng flood control project sa probinsya ng Pampanga. For years now, the riverbank mitigation project in Candating, Arayat has been the face of a failed flood control project.

Tuwing umuulan, panay ang aray ng mga taga-Arayat, sa pag-apaw ng ilog na hindi mapigilan ng flood control.

Mr. President, binisita ng aking mga staff ang Arayat nitong nakaraang dalawang linggo lamang na tinamaan din ng hagupit ni Emong at nagdulot na naman ng pagguho ng ilang bahagi nito.

Take note, Mr. President, kakatapos lang ng panibagong repair nito noong Hunyo ng kasalukuyang taon – 2025.

Sa itsura ng structure, parang hindi binibigyang pansin ng gobyerno ang Candating. Pero kung babalikan natin isang taon pa lamang ang nakakaraan o noong Agosto 2024, gumuho na rin ang flood control matapos mahagupit ng monsoon.

Mr. President, a review of the budget books shows that we started funding the flood control construction/rehabilitation in Candating way back in 2018.

Let me give a rundown:

In 2018, we already spent P20 million on a project for the “Construction/rehabilitation of Slope Protection along Pampanga River, Candating Section Arayat, Pampanga”. Kalaunan, nasira.

Since then, it has become a cycle, Mr. President. We used the people’s tax money to repair it in 2023 for a contract price of 91.6 million pesos. It was repaired again by another year’s tax money in 2024. This time, not once, but twice: 91.8 million for Phase I and 91.4 million for Phase II.

Take note: 20 million pesos lang ito sa una at original construction. If the original construction cost was only 20 million pesos in 2018, why did the repair cost balloon to 350% or 91 million in 2023 and another 183 million pesos in 2024 or an overall increase of 815%?

Aba, at nawili na ang funder ng Eddmari Construction na siyang palaging nananalong contractor sa Candating, Arayat, Pampanga. Naglagay pa ulit ng 100 milyon ngayong taon. Buti na lang, pinigil ng Malakanyang ang pag-release ng pondo.

Distinct din, but in a very distinct way.

As I mentioned earlier, all of these were awarded to the same mighty contractor— Eddmari Construction and Trading. May kamaganak ba o BFF siyang pulitiko mula sa lalawigan ng Pampanga? In total, Eddmari bagged 274.8 million pesos in taxpayers’ money for the rehabilitation and repair of Candating na tila hindi nagsasawa sa kare-repair.

Hindi lang po iyan ang issue ng Eddmari. How can this contractor with an unusual share of controversies — including being delisted as DHSUD builder in 2023 — be trusted to rebuild its own consistently collapsing project – which has evidently come with great cost, and loss to the government.

Paulit-ulit na pag-repair. Ngunit ganito pa rin ang kalagayan sa Candating, Arayat. Aray-at ko po!

BAUANG RIVER BASIN

Mr. President, magtungo naman tayo sa Hilagang Luzon, partikular sa probinsya ng La Union kung saan matatagpuan ang Bauang River Basin na kung saan, matindi ang congressional insertions. Sa tulong ng mga concerned groups and individuals, napansin namin ang bilang ng flood control projects na bagama’t wala sa NEP 2024 ay biglang tumubong parang kabute sa GAA ng nakaraang taon.

Halimbawa, ang ‘Construction of Flood Control Structure along Bauang River Basin’, dalawang items lamang na may tig-50 million ang nakalaan sa bahagi ng Naguilian, samantalang sa bayan ng Bauang ay wala pong proyekto sa NEP.

Abrakadabra! Sa naipasang 2024 GAA, nagkaroon ng sampung items na nahahati mula Package 1 hanggang Package 10 na may tig-P98 million ang biglang umusbong para sa Naguilan. Sa kabuuan, ang sampung packages na ito ay umabot sa P967 Million, halos isang bilyong piso kumpara sa 2 tig-50 million lamang sa 2024 NEP.

Sa Bauang naman, pitong (7) packages ang lumitaw na may magkakaparehong halaga 89 million each. Sa kabuuan, ito ay nagkakahalaga ng 623 million, mula zero budget sa NEP 2024. Sa aming masinsing pagkakalkal ay natuklasan naming iisang contractor ang na-award-an ng lahat ng packages na ito – ang Silverwolves Construction Corporation. Distinct pa din, distinguished colleagues.

Ito ang nabanggit kong “pork barrel” insertions kanina, Mr. President.

Meron pang mas matinding congressional insertions na ipapakita ko sa inyo – Baco and Naujan, Oriental Mindoro – AGILA Congressional Insertions

Mr. President, when flood control projects fail to stand against the tides, we are compelled to question the feasibility of the project and the technical capacity of the contractor.

But what if an elected congressman or a political group claims ownership of the project? Is it not both proper and necessary to scrutinize their motivations and examine the extent of their involvement? And perhaps, to hold them responsible.

This explains the logic why I am insisting to make transparent the identities of the proponents of the insertions — from the House GAB, Senate version, and all the way to the Bicam.

If they claim something as theirs, should they not also be accountable for its failures?

Mr President. I raise the question because of the evident congressional banners we observed alongside many projects in Naujan and Baco, both in Oriental Mindoro.

a. Brgy. Burbuli Project Bilang halimbawa, in Barangay Burbuli, Baco, Oriental Mindoro, one banner reads:

Congressional Project

Construction of Flood Control Structure along Barangay Burbuli (Alag River), Baco, Oriental Mindoro

AGILA (Aksyon Gobyerno at Inisyatibo sa Larangang Lehislatura)

This project, awarded to Silverwolves Construction Corporation, AGAIN, is worth P95 million. It is an ongoing project to be completed in December 2025. This project is so important that it can turn stones and get funding approval under the unprogrammed appropriations of the 2024 National Budget.

This prods us to dig deeper into the web. And as they say, social media is a great resource of evidence, which lawyers fondly call “testimony against self-interest.”

In one Facebook post, we discovered a congressional representative showcasing his midterm accomplishment report, covering the period from June 30, 2022, to December 31, 2023. He openly lists projects – hold your breath – “funded by his office,” including flood control and river protection initiatives.

From AGILA’s Baco, let us travel to AGILA’s Naujan, also in Oriental Mindoro. Mr. President, Naujan is among the beneficiaries of P3.6 billion worth of projects, while Baco proudly lists P807 million, all of which is attributed to and owned up by the Office of a Congressman.

a. Brgy. Butas River Hindi lamang po ito ang maswerteng napondohan, isa pa sa ipinagmamalaki ng MAPAG-ANGKING CONGRESSMAN ay ang Flood Control Structure sa Butas River (Upstream), Barangay San Jose, Naujan, Oriental Mindoro.

We took time to visit the project, which he referred to as a “National Project through Congressional Allocation”. The project was awarded to Rayman Builders for P231 million. At hinugot pa rin po ito sa unprogrammed funds.

Dalawang projects na po ito ng AGILA na nahuli naming mula sa unprogrammed funds: isa sa Barangay Burbuli at isa sa Barangay San Jose.

Ang pagkakaalam ko po, masalimuot ang proseso ng paggamit ng unprogrammed funds under the Special Purpose Fund para mag augment sa ilang items under the Regular Budget. Hindi po madaling ma-access ito, dapat: (a) may excess revenue collections; or (b) new revenue collections or (c) those arising from new tax or non-tax sources; or (d) approved loans para sa foreign-assisted projects. Mahaba din ang requirements nito, Mr. President. Napakalakas naman po yata ni Congressman.

What gives, Mr. President?

Kung saan may multi-million projects, dumadapo ang AGILA, PERO LUBOG PA RIN SA BAHA ang nadadapuan ng AGILA.

Isa lamang po ito sa napakaraming banners at social media posts ng “congressional insertions” ng mga politiko na naglipana sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

NAUJAN, ORIENTAL MINDORO

Mr. President, ituloy-tuloy na po natin ang diskusyon tungkol sa aming mga obserbasyon sa Lalawigan ng Oriental Mindoro.

Without taking anything away from the good but suffering people of this province on the legitimacy of their needs due to its high flood susceptibility, I want to speak of the billions of appropriations for flood control projects poured into this province in Luzon’s eastern flank.

Mr. President, when someone gets the largest share of the pie, we naturally ask why — especially if such a price comes from the taxpayers’ tab.

In Oriental Mindoro, for example, we wonder why among its 14 municipalities, one town tops the bill. Sa pagsalo ng buhos ng pondo, nauna ang Naujan.

Naujan, Oriental Mindoro received a sweeping 55% of the province’s 2025 flood control budget. Katumbas ito ng sampung bilyong piso (P10 billion pesos) para sa flood control projects ng Bayan ng Naujan pa lamang.

Fair enough, given the coastal topography of the municipality, which includes its lowland plains and extensive river systems such as Mag-Asawang Tubig, Naujan, and its people, badly need flood control interventions.

However, the magnitude of its budget allocation in the last three years alone—amounting to approximately 19 billion pesos and nearly doubling each year — raises concerns regarding Naujan’s curious case.

Even before the provincial governor of Oriental Mindoro blew the whistle, so to speak, on what he alleged as anomalous flood control projects, we had already dug deep in our study, literally sifting through years after years of appropriations for these projects.

True to form and with due diligence, I immediately dispatched my staff to Oriental Mindoro to verify the data we gathered about Naujan and to validate the governor’s claims. Mindful of potential political bumps we may encounter, my directives are clear: we see no political color and remain impartial in our findings.

My staff traversed Oriental Mindoro across 10 barangays to randomly check flood control projects based on the list of awarded contracts from 2023 to 2025 that we obtained from the DPWH website.

The field validation came in the aftermath of the widespread flooding in the province of Oriental Mindoro during the habagat.

A. Barangay Mulawin

Una sa aming listahan ang Barangay Mulawin.

Sa pitumpong (70) barangay ng Naujan, Oriental Mindoro, ang barangay Mulawin ay nakakuha naman ng P1.9 billion pesos. Sino kaya ang makapangyarihang “FUNDER” sa Barangay Mulawin?

We scoured the budget books – from the NEP, the House GAB, Senate version, and GAA, as well as the DPWH’s awarded contracts in Barangay Mulawin. Of the 1.9 billion fund for eight (8) flood control projects, only 810 million for three (3) projects was included in the President’s budget or NEP. The remaining P1.1 billion was inserted – I repeat – inserted in the House version, Mr. President.

Rightly so, most of these congressional insertions were tagged “for issuance of SARO”, or withheld by Malacanan, save for the curious case of two (2) projects worth about P300 million pesos already awarded and ongoing construction with target completion in December 2025.

Mr. President, sa buhos ng budget sa barangay na ito, inaasahan natin na may proteksyon na ang mga residente ng Mulawin laban sa baha dulot ng bagyo. Sa kasamaang palad, habagat pa lang–at hindi pa man naitalang bagyo ang tumama sa probinsya, gumuho na ang ilang parte ng mga dikeng pinaggastusan ng daang milyong piso. Inagos na rin ng tubig baha ang bilyong pisong danyos ng nasirang flood control (see photos/videos).

Ito mismo ang parehong barangay na gustong inspeksyonin ni Gov. Dolor noong nakaraang Sabado lamang kung saan napabalita ang pagharang sa kanya ng security personnel sapagkat ayon daw sa contractor ng proyekto, kinakailangan ng written approval mula sa DPWH bago makapasok ang sinuman sa construction area.

Mabuti na lamang, napuntahan na rin po ng aking team ang diumano’y “restricted area” na ito noong unang linggo pa lamang ng Agosto. Actually, pinagbawalan din silang lumapit sa mismong proyekto, pero sapat na ang kuha ng aming drone upang makita ang mga depekto ng konstruksyon dito, na gusto ng naturang contractor na i-sikreto dahil sa ginagawang paghahabol upang kumpunihin at remedyuhan ang palpak na proyekto at mapagtakpan ang kanilang kapalpakan.

We are willing to submit our drone shots and other pieces of evidence to assist in the investigation and prosecution of those involved in these anomalous projects.

  1. 2024 Project/Sunwest

Mula sa aming sariling footage, kitang kita ang mga bahagi ng road dike na ginawa noong 2024 na gumuho.

Ang nakikita ninyong flood control project ay nagkakahalaga ng 204.8 million pesos na base sa official record ng DPWH ay ‘COMPLETED PROJECT’ na – nito lamang Pebrero, 2025.

Halos tatlong buwan pa lamang ang lumipas, Mr. President.

Gayunpaman, ka bago-bagong proyekto, gumuho na agad-agad ang dike dahil sa nakaraang bagyong Crising, Dante at Emong kasama ang lagpas 200 milyong pondo na nailaan dito.

  1. 2025 Project/ADSL Construction

Sa kahabaan pa rin ng Bucayao river, natagpuan naman namin ang isa sa mga “congressional insertion” na nagkakahalaga ng 137 million at inaasahang matatapos ngayong Disyembre. Kasabay ng hagupit ng habagat, inanod na rin ang malaking bahagi ng binubuong dike.

We heard grim stories about why these structures fall easily: from the improper embankment mix of gravel, sand, and stones; sheet piles cut in half, and lower-grade reinforcement steel bars. Kung hindi tinipid, minali at short-cut ang paggawa.

Sad reality Mr. President is – “Mayroon na silang standard para sa substandard”.

B. Barangay Tagumpay

We go to another top billing barangay — Barangay Tagumpay.

Barangay Tagumpay, still in Naujan, is another case of ‘flooded’ flood control.

Sa taong 2023 at 2024, halos abot kamay na ng mga taga-Barangay Tagumpay ang tagumpay sa layunin nitong maging ligtas sa mga pagbaha dahil sa halos 2.55 Bilyong piso na pondong inilaan dito. Binubuo ito ng sampung (10) proyekto sa paggawa ng road dike sa Mag-asawang Tubig at Bucayao River.

Sa ulat ng gobernador, na bineripika ng aking mga staff, ang mga bahagi ng bilyones na proyektong ito, dalawang beses na pong nasira ngayong taon – ang pinakamalala, nitong nakaraang Bagyong Emong.

Sa mga larawan/video na kuha ng aming Team, kapansin-pansin nga naman na imbes na graba, buhangin at semento, buhangin ang laman ng structure na ito. Kaya naman ayon rin sa mga residente, sa sandaling magkabutas, mabilis na pumapasok ang tubig, at ‘kinakain’ ang ilalim.

Sa aming pag-iimbestiga, hindi rin daw diumano nasusunod ang dapat na lalim ng pagbabaon ng mga sheet piles na magiging suporta ng buong road dike.

C. Barangay Inarawan

Isa pa sa nakita namin ang Barangay Inarawan na dumanas rin ng pagguho ng bahagi ng river dike.

Sa aming pagsisiyasat, isa ang barangay na ito sa pinakamaraming buhos ng proyekto noong 2023 at 2024. Tumabo ito ng halos 1.8 bilyong piso para sa construction ng road dike sa kahabaan ng Mag-asawang Tubig.

Sa lahat ng proyektong inilaan sa Barangay Inarawan, tanging ang Sunwest Incorporated ang naka-kopo ng mga proyekto.

Ito ang contractor na una na nating narinig sa ulat ng Pangulo bilang pang-walo sa mga kontratistang nakakuha ng pinakamarami at pinakamalaking kontrata sa flood control.

D. Other Barangays in Naujan with Damages

Mr. President, sinuyod rin namin ang ilan pang barangay na binuhusan ng pondo ngunit hindi pa rin nakaligtas sa daluyong ng pagbaha dahil karamihan ay substandard, gumuho, at hindi napanindigan ang pagiging flood control structure.

Ilan sa mga ito ang mga sumusunod na ipapakita natin:

a. Sa Barangay Pinagsabangan Dos, higit 228 milyong piso ang pondong inilaan pero ang reklamo ng mga residente, putol-putol ang pagkagawa ng river control. Malaking bahagi rin nito ang gumuho nang nagdaang habagat;

b. Sa Barangay Melgar, inirereklamo ng mga residente ang mababaw na pagkakabaon ng mga bakal sa ginagawang dike; Sa taong ito, tatlong coastal road/shore protection ang itinatayo na ang sumatotal ay papalo sa halos 693 milyong piso

c. Sa Barangay Arangin, mayroon din ongoing projects na nagkakahalagang 109 milyon ngunit hindi pa man tapos ay nasira na uli dahil sa habagat.

Mr. President, for three years, 19 bilyon na ang pondo ibinuhos para sa flood control sa Naujan, Umaapaw ang pondo pero lubog pa rin sa baha ang mga Naujeño.

Anong nangyari? Kaninong mga bulsa inanod ang buwis ng taumbayan?

Kung sa Oriental Mindoro, gumuguho ang mga proyekto, mamaya po Mr. President, ipapakita namin ang mga lugar naman na walang makikitang gumuguho, hindi dahil sa matibay, kundi hindi talaga maaring gumuho ang guni-guni o multo na mga proyekto.

E. Sitio Dike, Barangay Apitong

Mr. President, sa kalapit barangay sa Barangay Apitong, isa sa mga proyektong matiyagang hinanap ng aming Team ay ang ‘Construction of Road Dike Along Mag-asawang Tubig River, Sitio Dike, Brgy. Apitong Section, Naujan, Oriental Mindoro’ na na-award sa Elite General Contractor and Development Corporation. Ang halaga ng kontrata: 192.99 million. Ayon sa dokumentong ito mula sa DPWH website, completed na ito.

Ngunit nang puntahan ng aming team, wala po silang nakitang proyekto sa Sitio Dike. Ayon din po sa pahayag ng mga residente, wala pong flood control na ginawa noong nakaraang taon sa kanilang Sitio.

Ang natitiyak nila – mayroong gagawin pa lamang ngayong 2025. Nasaan ang halos 193 million na pondo sa Sitio Dike noong 2024? Eksakto ang lokasyon na aming pinuntahan sapagkat consistent din ito sa coordinates na nakalathala sa DPWH, at sa ‘Isumbong sa Pangulo’ website. Guni-guni o guni-guni?

Mr. President, distinguished colleagues, tuloy tuloy na po tayo sa usapang guni-guni na mga proyekto sa lalawigan ng Bulacan – na sabi ko nga kanina ay ang pinaka notorious sa aming mga case studies na sa ulat na rin ng mga DPWH officials at insiders at ilang contractors ay minumulto ng humigit-kumulang 30 guni-guning projects.

BULACAN – Ghost Projects

Una sa aming pinuntahan ang siyudad ng Malolos kung saan kitang kita ang labis na pagbaha sa kabila ng una nang napaulat na buhos ng pondo sa probinsya. Barangay Calero, Malolos City

Isa sa mga binisitang proyekto ng aming team sa Barangay Calero ay ang Construction of Riverbank Protection na may kontratang nagkakahalaga ng 77 million. Ang contractor nito, base sa rekord, ay Wawao Builders, at tagged as COMPLETED as of October 2024.

Gamit ang coordinates sa “sumbongsapangulo” website, madali naming natunton ang lokasyon ng proyekto.

Inabutan po namin ang flood control structure, na ayon sa mga residente, ay sinimulang gawin ngayong taon, 2025.

Ibig sabihin po, ang pondo nito ay nasa taong 2025, at hindi 2024. Sigurado kami sapagkat iba ang contract ID nito base sa DPWH billboard na inyong nakikita sa screen.

Kinumpirma din ng mga residente na walang flood control project ang ginawa sa area noong 2024. Ang malaking tanong — ano ang riverbank protection structure na pinondohan at sinasabing completed dito? Ito po bang nakikita nating puting pader sa screen? Pader po yan, o perimeter fence ng subdivision, Mr. President. Sari-saring gimik, makapandaya lang ng milyones sa KABAN ng bayan.

Barangay Babatnin, Malolos City

Magtungo tayo sa susunod na barangay, Mr. President.

Lulan ng bangka, binagtas ng aking mga staff ang Barangay Babatnin upang hanapin ang riverbank protective structure na pinondohan noong 2024. Ito ay nagkakahalagang 77 million ULIT na nakuha naman ng Darcy and Anna Builders.

Mayroong flood control project – na kumpirmado rin sa mga online videos na nahanap namin. Ang problema, hindi po ito ginawa noong 2024 – 2018 pa po, Mr. President.

Pinondohan din ito noong 2021, 2023, at 2024. Ayon sa mga residente, ang huling pagsasaayos dito ay nangyari noong 2023, na substandard din ang pagkagawa.

Saan napunta ang nakalaang pondo sa ilalim ng 2024 budget para sa area na ito? Paulit ulit na pagpopondo kahit gawa na? Bagong style ito Mr President.

Ang contractor nito, na Darcy and Anna Builders, nagmumukhang multo rin. Base sa mga dokumento, ito ay isang negosyo na rehistrado sa ilalim ng sole proprietorship at may address sa Cardona, Rizal. Sa pamamagitan ng simpleng pag search sa google map ay madaling makita ang gusali kung nasaan ang nasabing negosyo.

Subalit ng puntahan ng aking team ang address, ang kanilang inbutan ay gym at e-payment store, sa halip na construction company. Wala na rin ang signage ng Darcy and Anna Builders na dating nakakabit sa building. Maya maya ay ipapakita pa namin ang mga natuklasan naming proyekto na gawa ng nawawalang Darcy and Anna Builders.

HAGONOY, BULACAN

Sinuyod rin po natin ang ilang barangay sa Hagonoy, Bulacan na hanggang ngayon ay lubog pa rin sa tubig baha, Mr. President.

Gamit ang “sumbongsapangulo” website, hinugot namin ang exact grid coordinates ng proyektong aming nakita para tiyakin na sakto ang lokasyon kung saan tayo napadpad.

A. BRGY. CARILLO, BULACAN

Mr. President, the first subject project was in Barangay Carillo, Hagonoy Bulacan, supposedly completed on April 19, 2024. It was awarded to “Darcy and Anna Builders and Trading,” for a sweeping price tag of 77.199 million pesos na naman.

Mr. President, ano po ba ang itsura ng isang 77.199 million pesos worth na riverbank protection structure? [PAUSE FOR VIDEO]

Ewan ko, Mr. President. Dahil wala tayong makita. Kahit ano pang suyod na gawin namin, hindi namin mahagilap ang flood control project ng Darcy and Anna Builders. Hello, Darcy — and Anna, nasan ang flood control?

B. BARANGAY ABULALAS

Tumawid naman tayo sa Barangay Abulalas, sa bayan pa rin ng Hagonoy. Silipin natin ang tatak Darcy and Anna Builders flood control project.

Sinuong ng aming team ang baha sa Barangay Abulalas, Hagonoy para hanapin ang proyektong, “Construction of Riverbank Protection Structure” mula sa Darcy and Anna na nagkakahalagang P77.199 million (NA NAMAN).

Ito po ang tumambad sa amin, Mr. President. Nakikita niyo po ba ang pagkakatayo ng flood control structure? [PAUSE]

Hindi niyo po talaga makikita, my dear colleagues. Guni guni lang kasi ang flood control structure or riverbank protection kung saan dapat nakatayo ang Darcy and Anna project.

C. BARANGAY IBA

Iba rin ang kaso sa Barangay Iba.

Tinungo namin ang proyekto “Riverbank Protection Structure” sa Barangay Iba ng Wawao Builders na natapos na dapat noong Oktubre 2024. Ang presyo ng proyekto, 77.199 milyon (NA NAMAN!) Pagdating ng aming team sa exact coordinates, mayroong kasalukuyang tinatayong istruktura. Ang bonus, may kasama pang pumping station.

Pero ang ginagawang proyekto – hindi ang Wawao project. Sa mismong lokasyon kung saan dapat nakatayo ang Wawao riverbank protection, ang nakabalandrang contract ID ay ang ongoing project ng isang Ferdstar Builders Contractors para sa “flood mitigation structure with pumping station and flood gate” na ang presyo ay papalo sa 92.54 million pesos.

Mr. President, nawawala ang Wawao project. At mukhang gusto pang pagtakpan ang ‘ghost project’ na ito kaya nagmamadaling magtayo ng bagong istruktura sa eksaktong project location kung saan dapat matagal nang may flood control. Wawao ang binisita, Ferdstar ang dinatnan.

Mukhang ang modus, tatapalan ang ghost project ng ibang proyekto at ang masama, ang milyong-milyong gastos, mula na naman sa taumbayan.

Iba sa Barangay Iba.

D. BARANGAY SAN NICOLAS

Sa Barangay San Nicolas naman, iba ang porma at hulma ng ghost project. Binisita namin ang proyekto ng Wawao Builders na ang halaga ay 77.199 million pesos (NA NAMAN?). Ang nasabing proyekto, sinimulan daw noong Pebrero at natapos noong Disyembre 2023.

Pero sa aming pagsisiyasat, 2017 pa lamang ay mayroon ng flood control sa lokasyong itinuturo kung nasaan ang Wawao project. Makikita rin sa historical imagery ng lugar na walang nabago simula noong 2017. Ano ang tinayo ng Wawao noong 2023? Eh di wala!

May guni-guni na naman sa Brgy San Nicolas? Wow na wow ang Wawao!

Mr. President, makikita natin ang iisang pattern ng mga proyektong guni-guni ng Darcy and Anna at Wawao Builders sa Barangay Carillo, Abulalas, Iba, at San Nicolas sa 1st engineering district ng Bulacan.

Pare-parehong contract price: 77.199 milyon. Pare-parehong Riverbank Protection Structure. Pare-parehong GUNI-GUNI.

Very DISTINCT – VERY DISTINCTLY GHOST PROJECTS.

Ang dapat sa mga ito ay ipinampupukpok sa pagbabaon ng mga sheet piles.

Hindi ito kababalaghan, Mr. President. This is well orchestrated by an organized network of people who abuse their power.

May isang grupo sa loob ng 1st District Engineering Office ng Bulacan na kilalang ‘sindikato’ ng mga substandard at ‘ghost’ projects.

Ang kanilang modus, manghihiram ng lisensya sa mga suki nilang contractors. Gamit ang lisensya ng contractors, sila na ang mag-i-implement ng projects o kung hindi man, magpoproseso ng mga dokumento para lumabas na ‘completed’ na ang ghost projects.

My office is willing and ready to provide the names of the members of this well-organized syndicate inside the Bulacan 1st District Engineering Office, including probable witnesses to testify against them, if and when the concerned authorities open a formal investigation into these morally wicked schemes to defraud our people of their hard-earned taxpayers’ money.

For the information of the body, inikot at siniyasat din po namin ang ilang mga proyekto sa Kabikolan, Davao Peninsula, Western Visayas at Central Mindanao. Kasalukuyan ang validation ng aming findings para sa mga susunod na pagdinig at imbestigasyon.

Mr. President, my distinguished colleagues – we all heard President Marcos Jr in his rare exasperated, confrontational tone during his fourth SONA last July 28. Pinalakpakan natin siya ng malakas nang sabihin niya sa atin harap-harapan sa plenaryo ng Batasang Pambansa – Mahiya naman kayo!

And rightly so since he also said in the same SONA that he witnessed firsthand how the floodgates of corruption have swung wide open in many areas he personally inspected. He saw defective flood control projects, obviously built with substandard materials or not built at all wasting hundreds of billions of pesos in taxpayers’ money, drifted away and down the drain.

And all this, Mr. President, went straight into the pockets of the insatiably greedy corrupt-to-the-core politicians, DPWH officials, and contractors, conniving among themselves, unmindful of the lives lost and the properties destroyed, all for their lust for money.

This humble representation just confirmed with sordid details what President Marcos announced in the launching of the “sumbongsapangulo” website which greatly helped me and my team in tracking and monitoring the status of the flood control projects.

Mr President, distinguished colleagues – we can do our part in leading the way under your leadership and the cooperation that each and every one of us in this august hall to set the example in good governance.

We can start with an honest-to-goodness and fully transparent deliberation of the 2026 national budget measure that will truly represent the hopes and aspirations of our people for a better Philippines.

Sa isang taon, huwag naman sana nating marinig na mapagsabihan tayo na – Mga walang hiya kayo!

Sa haba at lawak ng aming pagsisiyasat, may mga gustong magsalita at tumulong: District Engineers na napipilitang ipa-implement ang mga ibinagsak na projects sa kanilang distrito na hindi naman sila ang naplano kaya hindi kasama sa National Expenditure Program, subalit dahil nagmula sa mga insertions ng mga tinaguriang “funders” sa Kongreso; mga contractors na kapit sa patalim dahil sa bulok na sistema ng talamak na lagayan, tali ang kamay dahil sa pakikisama nakasalalay ang kanilang hanapbuhay; at higit sa lahat mga taumbayan na nais ipaabot ang kanilang hinaing.

Madami din sa mga nakausap namin ang handang pangalanan ang mga tiwaling opisyal ng gobyerno na tunay na nasa likod ng mga milagro sa flood control. Ang halos nagkakaisang tanong nila na mahirap kong saguting mag-isa: sagot ba ninyo ang kaligtasan namin at sigurado bang tuloy-tuloy ang laban hanggang sa dulo?

When a few good officials or remorseful men are willing to speak truth to power, they must be heard. They must be seen. They must be protected.

The depth of corruption has become so overwhelming that it drowns us in our sad state: More than flood control, what the Filipino people badly need to see is greed control.

Thank you, Mr. President.