Pinag-aaralan ng prosecution at defense team na tapusin ang paglilitis sa bawat article o kaso na inihain laban kay Vice President Sara Duterte sa nagpapatuloy na impeachment trial.
Ayon kay Senate President Sherwin Gatchalian, posibleng gawin ang pagbabagong ito upang mapabilis ang proseso ng paglilitis.
Aniya, ang orihinal na plano ay tapusin muna ng prosekusyon ang presentasyon nito sa lahat ng articles of impeachment bago balikan ang bawat article para naman sa presentasyon ng ebidensya at mga testigo ng depensa.
Batay sa napagkasunduan, unang tatalakayin ang Article 4 o grave threats at inciting to sedition laban kay VP Sara, kasunod ang Article 1 o hindi wastong paggamit ng confidential funds noong kalihim pa siya ng Department of Education (DepEd), Article 3 o bribery at corruption sa mga kawani ng DepEd, at Article 2 o hindi maipaliwanag na yaman ng ikalawang pangulo.
Umaasa si Gatchalian na magkasundo ang dalawang panig na tapusin ang paglilitis sa bawat article dahil sa tingin niya ay mas mapapabilis nito ang impeachment trial.











