Kinumpirma ng Korte Suprema na nakatakda silang bumuo ng mga panuntunan sa paggamit ng Artificial Intelligence para gamitin ng mga korte sa kanilang mga operasyon.
Ayon kay SC Senior Associate Justice Marvic Leonen, ang babalangkasin nilang AI Governance Framework ay inaasahang magbibigay ng mga pamantayan sa paggamit ng AI.
Ayon sa Korte, ang naturang framework ay tutuon sa mga pangunahing prinsipyo.
Ito ay kinabibilangan ng reliability, transparency, accountability, fairness and non-discrimination.
Bukod dito ay naka focus rin ito sa privacy and data protection , human agency and oversight at iba pang mga principle.
Iniulat rin ng Supreme Court na sinimulan na nila ang pilot testing ng AI technologies partikular nang voice-to-text transcription software sa mga court stenographers ng Sandiganbayan at mga piling first at second-level na korte sa bansa.
Nilinaw naman ni Senior Associate Justice Marvic Leonen na hindi pa sila nagpapatupad ng alinmang AI system sa kanilang tanggapan.