LA UNION – Pinuri ng 51st Engineer Brigade, Philippine Army (PA) ang isinagawang blood letting project na Dugong Bombo sa Camp LtCol. Jose M. Laberinto sa bayan nga Naguilian, La Union.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay LtCol. Gerry Juele, Commanding Officer ng 51st Engineer Brigade, sinabi nito na napakaganda ng adhikain ng Bombo Radyo katuwang ang Philippine Red Cross sa pagsasagawa ng naturang aktibidad upang matulongan ang mga nangangailangan ng dugo.
Ayon pa kay Juele, binabati nito ang Bombo Radyo at ang mga partners sa patuloy na pagtatagumpay na blood letting project.
Samantala, natutuwa naman si Army Technical Sergeant Joey Dominguez dahil sa ikalimang pagkakataon ay nakapag-donate uli ito ng sariling dugo.
Hinihikayat ng sundalo ang mga kababayan na ibahagi rin ang sariling dugo para matulong ang mga may sakit na nangangailangan nito.