Nangibabaw si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa Metz Moselle Athletor sa France.

Ito ang unang gold medal na nakuha ni Obiena sa pagpasok ng 2025.

Ang nasabing panalo ay isang linggo matapos na magkamit ito ng silver medal sa Jump Meeting Cottbus 2025 sa Germany.

Nakuha ni Obiena ang 5.70 meters clearance laban sa pitong iba.

Sinubukan ng World number 4 ang 5.85 meters jump subalit hindi ito nagtagumpay sa lahat ng attempts.

Ang kaniyang 5.70 meters ay maituturing niyang na season-best para makamit ang unang gintong medalya ng taon.

Nagtabla rin ang Dutch pole vaulter na si Menno Vloon subalit nabigo ito sa ginanap na tie breaker kaya pumangalawa lamang siya.

Nasa pangatlong puwesto naman sa nasabing torneo si Christopher Nilsen ng USA na nakapag-clear ng 5.60 meters.

Agad naman itong sasabak ngayon sa ISTAF Indoor sa Berlin ngayong Lunes.

Magugunitang ilang buwang nagpahinga si Obiena pagkatapos ng Paris Olympics dahil sa injury sa likod.(By Bombo Jovino Galang)