Inanunsyo ng Facebook na tatagal na lamang ng isang buwan ang mga na-publish na video sa pamamagitan ng live broadcast sa kanilang platform.
“Beginning on February 19th, new live broadcasts can be replayed, downloaded or shared from Facebook Pages or profiles for 30 days, after which they will be automatically removed from Facebook,” saad ng Facebook.
Sa panahong ito, maaari umanong ma-access ang mga video, ma-replay, mai-share at mai-download bago tuluyang mawawala pagsapit ng 30 araw.
“Live videos currently older than 30 days will be removed from Facebook. Before your archival live videos are deleted, you will be notified by email and in the app, and from then you’ll have 90 days to download or transfer your content,” dagdag pa nila.
Para naman sa existing archived live videos, ang Facebook ay maglalabas umano ng abiso sa user bago ito ganap na tatanggalin.
Mayroon lamang 90 araw ang content creator para makuha ang kopya ng kaniyang published material.
Sinasabing ang mga pagbabagong ito ay alinsunod sa industry standards at sa viewing behavior ng kanilang users.(By Bombo Dennis Jamito)