LA UNION – Tuwang-tuwa ang Filipina domestic helper na si Joan Pabona nang matanggap nito ang 1st issue ng National Geographic Magazine at ang kanyang premyo bilang second placer sa photo contest na inorganisa na nasabing kompanya sa Hongkong (HK).
Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Joan, sinabi nito na hindi ito ang unang pagkakataon na nanalo siya sa mga photo contest sa abroad.
Sa naturang patimpalak ay nakatangap siya ng HK $6,500 o katumbas ng P43,000 bilang premyo at maliban pa sa mga 12 issues ng National Geographic Magazine.
Isang black-and-white na larawan na mayroong pamagatna “Sacrifice” ang nanalong entry nito.
Dahil bukas sa lahat ng mga nagnanais sumali sa mga photo contest doon ay makikibahagi pa rin ito upang mapaunlad ang kakayahan lalo na sa paggawa ng tema o kwento na nasa likuran ng kanyang sining o larawan.
Ayon pa sa Filipina worker, stress reliever at hobby nito ang photography.
Sa pagkuha ng mga iba’t ibang larawan niya ibinubuhos ang pagpapakataon sa tuwing nakakaramdam ito ng pagkasabik na makasama ang pamilya.
Nais din ni Pabona na maging professional photographer dahil may mga nag-aalok na rin sa kanya pero kailangan pa niyang mag-aral ng photography para paghandaan ang nasabing karera.
Si Joan Pabona ay tubong bayan ng Sudipen, La Union at nakapag-asawa sa lalawigan ng Ilocos Sur.