Nakatuon na ngayon ang atensyon ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa FIBA Asia Cup sa buwan na Agosto na magaganap sa Saudi Arabia.
Kasunod ito sa pagkatalo nila sa New Zealand para sa last window ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa score na 87-70.
Kahit na nabigo ay nasa pangalawang puwesto sila sa Group B na mayroong apat na panalo at dalawang talo.
Umabot pa sa 28 points ang lamang ng New Zealand hanggang sa napababa nila ito sa 11 points.
Inamin Cone na nabantayan ng Tall Blacks si Justin Brownlee at naging malaking susi rin ang kawalan ng Kai Sotto dahil sa injury.
Giit ni Cone na marami silang mga natutunan sa magkasunod na talo nila sa Chinese Taipei at New Zealand kung saan gagawa sila ng mga adjustments.(By Bombo Jovino Galang)