LA UNION – Gumaan ng bahagya ang kalagayan sa Hong Kong (HK) ilang linggo matapos maging COVID-19 free ang nasabing lugar.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Emily Miranda, na ngayon ay nasa Hong Kong, sinabi nito na ramdam na ang unti-unting magandang pagbabago patungo sa normal na kalagayan ang Hong Kong ngunit kailangan pa rin na may sundi na alituntunin bilang pag-iingat.
Ayon kay Miranda, sa May 27 ay nakatakdang mabukas muli ang mga klase sa mga paaralan.
Mauuna ang senior high school, susunod ang high school, primary school at panghuli ang nursery.
Hindi naman magbubukas aniya ng klase ang nursery.
Samantala, wika pa ni Miranda, pinapayagan na ngayon ang pagputa sa iba’t ibang lugar maliban sa mga recreational center.
Bawal pa rin doon ang mass gathering at mahigpit ang pagpapatupad sa pagsusuot ng face mask sa mga gagalang residente.