Muli na naman ipinaala ng lokal na gobierno ng San Juan, La Union ang Municipal Ordinance No. 01-2018 o “An Ordinance Prescribing Safety Rules in the Municipal Sea Waters” kasabay ng paggunita sa Drawning Prevention Month ngayon buwan ng Marso.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay Gino Mabalot, Municipal Dissaster Risk Reduction Managament Office Head sinabi nito na nakabase sa ordinasa ang lahat ng safety ordinance ng nasabing bayan.
Nakasaad rin sa ordinansa na katulong nila ang asosasyon ng lahat ng hotels and restaurant sa nasabing bayan sa pamamagitan ng pagpaskil sa kanilang mga establishimento ang paalala ng nasabing ordinasa.
Ayon sa ordinansa, mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi ang oras ng paliligi sa dagat.
Kailangan ng mahigpit na pagbabantay ng magulang o guardian ng mga batang beach goers.
Nakasaad rin sa ordinasa na bawal ang maligo sa dagat kung may bagyo o malakas na ulan.
Bawal maligo kung nasa empluwensya ng alak, magdala ng mga bagay na nakakamatay at mga pagkain.
Panawagan rin ni Mabalot sa mga beach goers na kailangan panatilin na malinis ang kapaligan kung saan bawal ang pagdudumi, pag-ihi at pagtapon ng basura sa dagat.
Sinoman mahuhuli na lalabag sa ordinasa ay pagmumultahin ng P1,000 pesos.