Mahigpit na ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Francisco Marbil na mahaharap sa kaso ang sinumang aktibong pulis na magiging ‘partisan’ ngayong halalan.
Kasunod ito sa pagpapahayag ng suporta ng mga retiradong PNP Academy alumni kay Vice President Sara Duterte kahit na may kinakaharap na impeachment.
Sinabi ni Marbil na hindi papayagan at susuportahan ang PNP ang sinumang kandidato dahil sa may sinumpaan sila sa trabaho na pagsisilbihan nila ang publiko.
Ang sinumang aktibong PNP member na mapatunayang sangkot sa partisan political activities ay mapapatawan ng kaparusahan hanggang ito ay tuluyang matanggal sa trabaho.
Magugunitang inihayag ng PNP Class of 1991 ang suporta kay Duterte.(By Bombo Jovino Galang)