May napili na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na bagong kalihim ng Department of Information and Communication Technology (DICT) kapalit ng nagbitiw na si Ivan John Uy.

Itinalaga ni Pangulong Marcos si Henry Rhoel Aguda.

Batay sa nagging pahayag ng Presidential Communications Office (PCO) si Aguda ay in-charge sa software development services at WeServ Systems International, led Nextel’s information operations.

Nagsilbi din si Aguda bilang assistant vice president ng Bayantel Communication Holdings at siya rin nag managed sa corporate data network para sa Manila Electric Company.

Si Aguda ay dating pangulo at CEO ng UnionDigital Bank.

Si Aguda ay una na ring nagsilbi bilang Digital Infrastructure Lead ng Private Sector Advisory Council (PSAC).

Una na rin itong nagsilbi bilang board chairman ng City Savings Bank at UBX Philippines.(By Bombo Analy Soberano)