Sa pagdinig ng House justice panel, tinanong ni Iloilo 1st District Representative Janette Garin ang self-confessed bagman ni Bise Presidente Sara Duterte na si Ramil Madriaga tungkol sa kanyang motibasyon sa paglantad ng mga alegasyon sa kanyang supplemental affidavit.

Iginiit ni Madriaga na walang pumilit sa kanya o nag-alok ng anumang pabor kapalit ng kanyang testimonya, hindi rin siya napilitang gawin at isumite ito, at walang kahit ano mang pangako para sa pagpapalaya sa kanya kapalit ng pagsasalita.

Bagkus ay sinabi niya na nais na niyang ilantad ang umano’y maling gawain ni Atty. Harry Roque, na pinoprotektahan ni VP Sara.

Pinili umano niyang magsalita para sa tao at kapakanan ng mga magsasaka dahil ang isyu ng land-grabbing ay maliit lamang na bahagi ng mas malawak na ilegal na aktibidad, hindi lamang sa Bataan kundi sa buong Luzon, kabilang ang mga lalawigan ng Zambales, Pangasinan, La Union, at Cagayan. | via Bombo Rafael Galano