La Union – Magsagsawa ng coordination meeting ang San City Government, San Fernando City Dissaster Reduction Management Office, Provincial Dissaster Reduction Management Council at iba panga ahensya kaugnay ng nangyaring malaking sunog sa merkado publiko ng syudad dito sa lalawigan.
Ito ang sinabi ni Abegail A. Esteban, Administrative Officer IV, City Government, San Fernando City, La Union sa naging panayam ng grupo ng mga media kaninang umaga.
Ayon kay Esteban, hiniling na rin ng City Government ang tulong ng Sanguniang Panglungsod kaugnay ng gagawin special session para sa pagsasailalim sa State of Calamity.
Maliban pa rito, magbibigay din ang gobierno syudad ng Psychosocial debriefing sa mga biktima ng sunog.
Pansamantala munang inilagay sa covered court ng Barangay Ilocanos Sur ang mga nagbebenta ng mga karne at covered court naman ng Barangay Ilocos Norte ang mga nagbebenta ng mga gulay at prutas.
Samantala, hindi pa alam ang kabuuang danyos ng nangyaring sunog dahil sa wala pa umanong report mula sa Bureua of Fire Protection.
Hinihikayat din naman ng gobierno syudad ang iwasang magpakakat ng fake news kaugnay ng nangyari hanggat walang official report mula sa mga kinauukulan.
Kung maala, nangyari ang sunog bandang ala una ng madaling araw at idineklarang fire out alas 6:52 nga umaga.