LA UNION – Naghain ng resolusyon si Municipal Councilor Gabriel Sotto upang ideklarang ‘persona non grata’ ang pamunuan ng isang septic tank siphoning services dahil sa pagtatapon ng dumi ng tao sa ilog sa bayan ng Bauang, La Union.
Sa kanyang privilage speech sa regular session ng municipal council, iginiit ni Sotto na kailangang isara ang L.E. Radam Enterprises at palayasin mula sa bayan ng Bauang ang lahat ng namamahala at manggagawa nito dahil sa paglapastangan ng sa ilog sa bahagi ng Barangay Acao sa nasabing bayan.
Samantala, sinabi rin ng opisyal sa panayam ng Bombo Radyo, na hindi katanggap-tanggap ang ginawa ng naturang septic tank siphoning services na pagtatapon ng mga dumi ng tao sa ilog na pinakikinabangan ng mga mangingisda.
Una rito, mismong si Acao Punong Barangay Pedro Corpuz ang lumapit sa konseho ng bayan upang ipabatid ang hindi kaaya-ayang gawain umano ng L.E. Radam Enterprises sa kanilang lugar.