Makararanas nang katamtaman hanggang matinding pag-ulan ang ilang lugar sa Pilipinas simula bukas, araw ng Linggo, hanggang Lunes, ayon sa state weather bureau.

Dulot ito ng convergence ng northeast monsoon at mainit na hangin mula sa Pacific Ocean.

Batay sa weather advisory ng state weather bureau, makararanas nang matinding pag-ulan ang Northern Samar; Eastern Samar; Albay; Sorsogon; Catanduanes.

Nagbabala ang ahensya sa mga posibleng epekto ng pag-ulan kung saan ang katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ay maaaring magdulot ng pagbaha lalo sa mga mabababang lugar at coastal areas.

Patuloy din aniyang magdadala ng pag-ulan ang shear line at northeast monsoon sa ilang bahagi ng Luzon.

Samantala, sa pangkalahatan ay maaliwalas na panahon na may posibilidad ng pag-ulan ang inaasahan sa Visayas at Mindanao.