Lalong nadagdagan pa ang mga bitak ng San Nicolas the Hermet Parish Church sa bayan ng Balaoan, La Union.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo La Union kay Fr. Nolan Nabua, Parish Priest ng Saint Nicolas the Hermet Parish, bagaman at may mga bitak na ang simbahan hindi naman ito gaano malala.

Ngunit ng tumama ang malakas na lindol kaninang umaga ay naging visible na ang mga bitak.

Mas lumani aniya ang mga bitak kung ihahambing sa mga dati ng mga bitak ng simbahan.

Gayunman, nag-abiso na ang simbahan para sa mga gagawin aktibidad gaya ng libing, kasal at binyag ay hindi na muna gagamitin ang main door o sa mismong harap na pintuan dahil pa rin sa mga maaring mahulog na debris.