LA UNION – Magbibigay ang provincial government sa La Union ng 15 handheld radio at 2 pang motorsiklo sa San Fernando City Police para gamitin ng mga otoridad sa mas epektibong pagbanbantay ng seguridad sa buong syudad at maiwasan ang tinatawag na ‘ misencounter’ sa mga kapwa pulis.

Sinabi ni Pol. Supt John Guiagui, officer-in-charge ng San Fernando City Police Station, na malapit na nilang matanggap ang mga nasabing kagamitan mula sa lokal na pamahalaan ng La Union, at nangako itong kanilang gagamitin sa mga operasyon para sa mas mabilis at epektibong pagresponde sa mga pangyayari sa kanilang nasasakupan.

Sinabi ni Guiagui na una nang natanggap ng nasabing himpilan ng pulisiya ang isang pick up at 3 motorsiklo mula pa rin sa provincial government, para gamitin sa pagpapatrolya, pagresponde at sa mga iba’t ibang police operation at activity.