LA UNION – Humarap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang college student na nahuli ng mga otoridad dahil sa pagbebenta umano ng droga sa Barangay Guinabang sa bayan ng Bacnotan, La Union.
Nakilala ang mga suspek na sina Mark Stephen Ramos, 23 anyos, 3rd year maritime student at residente ng Barangay Sinapangan Sur, Balaoan, La Union; at Dexter Ridual, 26 anyos, 4th year college student, at naninirahan sa Barangay Bitalag, Bacnotan.
Base sa ulat ng Bacnotan Police Station, nakompiska umano mula sa mga suspek ang isang supot na naglalaman ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng P6,600; buy-bust money na nagamit sa operasyon; dalawang cellphone; dalawang motorsiklo; at drug paraphernalia.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek habang hinihintay ang kahihinatnan ng kanilang kaso sa hukuman.