Patay ang nasa 48 katao matapos ang pagguho ng minahan ng ginto sa Bamako, Mali.
Maraming sugatan din ang naitala sa pagguho ng Bilali Koto sa prefect ng Kenieba.
Sinabi ni community leader Falaye Sissoko na ang nasabing minahan ay pinapatakbo ng isang Chinese company.
Inaalam ng mga otoridad kung ito ay legal at maryoong mga dokumento.
Ito na ang pangalawang aksidente na nangyari sa lugar kung saan noong Enero 29 ay ilang minero din ang nasawi sa pagguho ng minahan sa Koulikoro region. (By Bombo Jovino Galang)