Pinag-aaralan ng Bureau of Corrections (BuCor) ang posibilidad ng pagpayag sa mga indibidwal na nahatulan ng lesser offenses na isilbi ang kanilang sentensya sa kanilang mga bahay.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr., ang home imprisonment set-up ay ginagamit na sa ilang mga bansa sa Southeast Asia.
Una aniya itong lumutang sa ikalawang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) regional correctional conference na ginanap sa Mimaropa at dinaluhan ng iba’t-ibang mga bansa.
Ayon kay Catapang, isa itong paraan para ma-decongest ang mga kulungan at mapayagan ang mga indibidwal na nahatulan ng minor offense na makasama ang kanilang mga pamilya.
Maaari din aniyang isagawa ito ng Bureau of Jail Management and Penology na siyang may hurisdiksyon sa mga local jail para sa mga detainee na hindi pa na-convic at patuloy pa ring sumasailalim sa pagdinig ang kani-kanilang mga kaso. (By Bombo John Flores)