LA UNION – Patung-patong na kaso ang kinakaharap ngayon ng isang lalaki na umano’y nagharamintado matapos mahuli sa isinagawang anti-illegal gambling operation at nakuhanan ng marijuana sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Nakilala ang suspek na si Sonny Bungaoisan, 50, binata, residente ng Barangay Pagdalagan Norte sa lungsod.

Sa ulat na nakalap ng Bombo Radyo mula sa San Fernando City Police Station, nahuli umano ang suspek habang isinasagawa ang anti-illegal gambling operation sa nasabing lugar.

Gumawa umano ang eskandalo at tumanggi ang suspek na magpaaresto sa mga pulis ngunit sa kulongan din ang kinahantongan nito.

Bago ipinasok sa loob ng kulongan ang suspek ay kinapkapan pa ito ng mga alagad ng batas kaya nadiskobre ang sa pag-iingat umano nito ang dalawang sachet na naglalaman ng hinihinalang marijuana.

Humaharap ngayon sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act, resisting arrest and disobidience in person in authority ang reklamo laban sa suspek.

Samantala, sinapahan rin ng kasong paglabag sa anti-illegal gambling law ang dalawa pang kasama ng suspek sa paglalaro ng baraha.