Bumwelta ang palasyo ng Malakanyang sa naging banat ni dating Pangulo Rodrigo Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nagbabalak umanong ibalik ang diktadura sa bansa.
Sa isang pahayag sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin kanilang tinatrato ang nasabing pahayag na walang basehan at katawa-tawa.
Sinabi ni Bersamin ang nasabing pahayag ay tila isang mahabang kuwento mula sa isang taong madaling magsinungaling at mag-imbenti ng mga panloloko.
Ayon sa Palasyo ang panloloko na ito ay isang budol na umuusbong mula sa isang pabrika ng pekeng balita ng isang tao.
Siniguro ni Bersamin ang administrasyong Marcos ay palagiang ipinakita ang mga aksyon na mananatili sa landas sa pagtataguyod ng Konstitusyon, pagsunod sa tuntunin ng batas, at paggalang sa mga karapatan ng mga tao.
Pagtiyak ng Palasyo na hindi sila aatras sa mapang-aping paraan ng nakaraang administrasyon Lalo at kapag ikaw ay kritiko pinakukulong batay sa mga gawa-gawang kaso at ikinagagalak pa nito na marami ang namatay Lalo na sa kampamya kontra iligal na droga.
Sinabi ni Bersamin na ang dating Pangulong Duterte ang siyang naghahanda para lumilihis patungo sa isang sistema kung saan ang sinuman ay maaaring bawian ng buhay, kalayaan, at ari-arian nang walang nararapat na proseso ng batas, gaya ng sinabi ng marami bilang isang malupit na hindi gumagalang sa mga karapatan ng mga tao.
” We will not backslide into the oppressive ways of the previous administration, when critics were jailed upon trumped-up charges and when kill orders were publicly issued with glee and obeyed blindly.
It is the leader of that troubled past who is depicting us as veering toward a system where anyone can be deprived of life, liberty, and property without due process of law, as many had been on his mere say-so as a tyrant who did not respect the rights of the people,” pahayag ni ES Lucas Bersamin.(By Bombo Analy Soberano)