Aabot na sa 11,976 indibidwal sa La Union ang naapektuhan ng walang humpay na pag-ulan dahil sa epekto ti habagat na pinalakas ng nakalipas na Bagyo Fabian.
Base ito sa pinakahuling report ng Provincial Dissaster Risk Reduction Management Office sa lalawigan.
Mula sa nasabing bilang, kabilang ang 65 Barangays na binubuo ng 3,394 pamilya mula sa nga bayan ng Luna, Balaoan, Naguilian, Bacnotan, Bauang, Burgos, San Gabriel, Agoo, Sto. Tomas at Caba.
Kabilang din ang 140 kabahayan ang totally at artially damage na naitala sa lalawigan na nagmula sa mga bayan ng Luna, Balaoan, Bauang, Burgos, Agoo at Caba.
Kabuuang P469,320 naman ang ipinamahagi ng Provincial Government of La Union sa mga bayan ng Luna at Bauang.
Nakapagtala rin ang lalawigan ng 14 na insidente ng landslides at mga natumbang mga punong kahoy.
Naitala rin ang 29 na lugar na binaha kung saan may mga ilan sa mga ito ang bumaba ang tubig baha habang baha pa rin ang ilan.
Samantala, tinatayang P125,000,000 pesos ang naitalang danyos ng habagat na pinalakas ng nagdaang Bagyong Fabian sa imprastraktura na kabilang sa mga nasira ang mga kakalsadahan at tulay.
Patuloy naman ang isinasagawang monitoring ng PDRRMO sa sitwasyon ng lalawigan sa patuloy pa rin nararanasan habagat gayundin ang paalala sa mga residente na nakatira sa mga landslide at flashflood prone areas.