Screenshot

Nanawagan si dating house speaker at Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino na humugot ng lakas mula sa pananampalataya at pinagsasaluhang pagpapahalaga habang ipinagdiriwang ang Kapaskuhan.

Sa kanyang mensahe sa Pasko, sinabi ni Romualdez na ang pagdiriwang ay paalala ng pag-asa at pagmamahal, lalo na sa gitna ng mga pagsubok na kinakaharap ng bansa.

Binigyang-diin ni Romualdez ang katatagan at malasakit bilang mahahalagang haligi ng pagiging Pilipino.

Ayon sa mambabatas, ang kapanganakan ni Hesukristo ay nagbibigay ng panibagong pag-asa at lakas sa mga pamilya at komunidad.

Tinapos ni Romualdez ang kanyang mensahe sa pagbati sa wikang Waray bilang pagpapakita ng pakikiisa sa kanyang mga kababayan. (By Bombo Analy Soberano)